Sa pagsapit ng dilim, ako'y naghihintay pa rin, sa iyong maagang pagdating. #HimigNgPagIbig (at Robinsons Place Manila)
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Australia

seen from Japan

seen from Malaysia
seen from Georgia
seen from Canada
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Georgia

seen from United States
seen from China

seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from United States
seen from Uzbekistan
seen from Japan
seen from United States

seen from United Kingdom
Sa pagsapit ng dilim, ako'y naghihintay pa rin, sa iyong maagang pagdating. #HimigNgPagIbig (at Robinsons Place Manila)
Asin 2017
Nitong nakaraang 2016 lang ulit ako nakapakinig ng musika ng Asin. Ang tanging ala-ala ko lang sa bandang ito ay noong mga panahong isa ang kanilang album sa mga nilalaruan kong tapes noong bata, ginagawa kong domino. Parang hindi ko nga ata isinalang kailanman iyong tape nilang ‘yon. Pero tanda ko ang itsura, kasama ng ilan pang tape na laruan lang ang tingin ko.
Akala ko andami dami ko nang napakinggang OPM. Nagbago yung pananaw kong ‘yun nung pinakinggan ko sila ulit. Kumpara sa noong naririnig ko lang sila, napaka-transcendental pala talaga ng Folk. Dadalhin ka sa pamilyar na lugar at panahon. Babalik yung mga ala-alang akala mo hindi mo na pagmamay-ari. “Lahat ng pinag-aralan mo’y matagal mo nang alam,” sabi sa Sayang Ka. Napaisip tuloy ako, sa pagitan nung kabataan ko hanggang ngayon, mayroon ba talaga akong narating.
Parang anlayo-layo kasi natin sa kung anong trip ang meron tayo ngayon sa kung ano ang natural na tayo noon. Ganung klaseng tunog. Ipinapaalala ng Asin ang pakiramdam ng maligo sa ulan, maglamaw sa bahang gawa ng ‘di sementadong kalsada. Mga bagay na akala natin hindi na sa’tin. Parehong pakiramdam tuwing kumakain ako ng longganisa. May ganito na pala tayong musika kelan lang, bakit tayo nauwi sa twerk.
Madaming napaliwanag sakin ang Asin. May mga kakulangan o kawalan sa kasalukuyan nating musika (at least, sa mga napakikinggan ko lang) na napunan ng mga kanta nila. Nainggit din ako, kasi ang yaman-yaman na pala nila noon. Babalik sa palaging diskusyon namin ng mga malapit kong kaibigan: may Pilipino pa bang totoo? Hindi lang iyong nabubuhay sa po at opo at sa kung anong lutong-bahay ang uulamin ngayon. Iyong Pilipino na marunong tumawid mula sa kasalukuyang ganap pabalik sa sinambang mga punongkahoy. Manggamot, manggaway, mangaso, makibaka, mag-Pilipinas.
Maliban sa boses ni Lolita Carbon na sa tingin ko ay may lahing Babaylan talaga, ang sarap patugtugin nitong Asin sa Starbucks. Ewan ko, para lang siguro ibalik sa lupa ang mga Pilipinong sagad sa ugat ang pagka-Amerikano. Ayaw ko na din pala, puro ako salita, ganyan ka kaibigan na kulang sa gawa. Kasi tayong lahat naman pala. Ang konsepto na lang yata natin ng Pilipinas ay matatagpuan sa souvenir shirt, iyong may mapa ng lugar kung saan tayo nag #travelgoals noong nakaraang bakasyon. Hindi bayan kundi lugar. Hindi lahi kundi kulay.
Ang layo na nito pero huhukay pa ko ng iba. Iyong beatles nga, mas matanda pa pero kabisa natin lahat. Silip pa tayo. Nilatagan na kasi nila tayo ng Himig ng Pag-ibig pero mas trip natin pakinggan iyong mga galit galitang tugtugan. O baka naman, wag naman sana, kailangan natin tanggapin na mas payapa pa noon.
Sa pagsapit ng dilim, ako’y naghihintay pa din. Sa iyong maagang pagdating ....