Dito ko na lang lalabas drama ko tungkol sa upcat. It’s been two years mula ng ilabas yunh upcat result ng batch ko, hindi ako pumasa. Sobrang sakit sa pakiramdam nun. Hindi na nga ko pumasa sa dream school ko na UST tapos tanyag na UP pa hindi rin pumasa. Narealise ko lang din ngayon na balewala sakin noong pumasa kong PUP, parang okay may back up school na ko sa manila. Kung tatanungin mo ko ngayon kung pinagsisisihan ko ba na sana hinintay ko magka-slot ako sa UST dahil waiting list naman ako, ay hindi na siguro. May onting kirot pa rin sa dalawang Uni, pero PUP ang humubog sakin ngayon at kung paano maging makamasa. Dahil alam ko na theoretical lang ang mangyayari sakin sa UST, mas lubog at pang masa kasi talaga ang PUP at malapit sa realidad ng taong bayan. Kung pumasa man akong UPD o UPM, lets face the fact din na hindi na to katulad ng dati. Mga elitist at mayayaman na rin ang mga nandito, hindi na siya ang pang-masa na UP na kilala noong mga 90’s. Para parin silang sugat na kumikirot tuwing may nakikita akong nagdiriwang na pumasa ng USTET at UPCAT. Still hindi pa nagtatapos ang journey ko. Three or four more years gagraduate na ko at tutuloy ko na talagang mag masteral, sana palarin na sa UP na ko o kahit pabalik ng PUP, dahil napamahal na ko sa sintang paaralan.















