2016 - THE YEAR WHEN WE FIRST MET
Him (22M at that time) and I (23F at that time) met sa work. Initially, he is just a simple coworker. Di kami nagkakaabot sa shift pero naririnig ko na mahirap syang katrabaho.
One day, nakasabay ko sya sa dinner na kaming dalawa lang. I asked him kung ano ba first impression nya sakin. His first impression daw of me ay masungit ako. Siya kasi yung tumulong sakin magkaroon ng workstation, pero di raw ako nagpasalamat sa kanya. Sabi ko, mainit kasi ulo ko nun, akala ko malilipat ako sa team ng mga friends ko, eh sa team nya ako napunta, but I thanked him, hina lang siguro. Sabi ko naman, ang first impression ko sa kanya ay cold sya and lagi nagmamadali. After dinner, dun ko talaga sya napansin kasi pinaglakad nya ako ng malayo para lang mag withdraw. Eh sa totoo lang, meron naman ATM sa baba ng office, but we had to go around the mall para mag withdraw.
Wala naman to sakin nung una pero yung isang kawork namin, nagconfess na shiniship daw kami kaya hinayaan nila kami na magdinner dalawa. At umoo naman din daw si guy. Nagulat ako kasi work lang naman pinag-uusapan namin at medyo arrogant ang ways nya, di ko sya masyadong bet.
After a few months, nagtanong sya sakin if he will get condo na ipaparent nya. Sabi ko go mo na habang mababa pa ang price. Nagulat sya dahil sa lahat daw ng nakausap nya sa work, ako lang daw ang umoo.
We were now both in night shift dahil nagrequest sya na need daw nya ng funds for the condo. Dito na nagstart yung maging friends kami. Every end ng shift namin, kumakain na kaming dalawa lang.
One day, sinurprise nya ako. Turnover na raw ng unit kaya isasama nya ako. I felt special kasi ako lang naman naisama nya sa unit nya among colleagues namin. Pagbukas nya, nakita ko nififill in na nya ng gamit yung unit. May two bunk beds, microwave the ref. Simple pa lang daw kasi kaya inuna muna yung usual hahanapin ng magrerent. I thought he is a very responsible guy talaga.
We were talking smoothly and then something happened. Nagpakalbo sya ng time na yun and nasabihan ko sya medyo mukha syang unggoy. He really did feel offended by that. Sino daw ba ako para sabihin yun sa kanya? Then did not talk to me. I did feel guilty about it. Aside from work if me need sya sakin or may need ako sa kanya, di na nya ako kinakausap. Nagsorry ako but it fell on deaf ears. We did not talk for the remaining days of the year.















