Simula nung napanood ko to nung December 2016, palagi kong inaabangan kung kailan nila itatanghal to. Palagi kong kinekwento sa mga kaibigan ko to at sinasabi ko na dapat hindi nila palagpasan to, na dapat mapanood nila.
Grabe. Naalala ko nun, kakasimula lang ng unang yugto, umiyak ako kaagad sa sobrang ganda. Yung mga props at ilaw ang gaganda, tapos ibang klase ang acting at boses ng cast. Kumbaga, "in unison" silang lahat.
Di mo aakalaing kaya pa rin nila lagpasan at pagandahin ang isang dulang maganda na talaga. Apat beses ko na napanood to, pero naiiyak pa rin ako. Iba talaga pag teatro. "every show is a different show."
Salamat sa mga taong bumuhay nitong production. Salamat Mula sa Buwan na napatawa, napakanta, at napaiyak niyo ako.
Ginawa ko lang tagalog tong post na to kasi nainspire akong magtagalog HAHAHA. Huhu. Sobrang satisfied na talaga ako.













