Sa susunod na pagpana mo sa puso ko, pakisigurado naman na sakto yung tipong walang sobra at kulang.
Yung hindi na ako kakapa kung diretso ba ang pagkakatama. Yung hindi na ako mangangamba na baka isang araw biglang maputol at mawala. Yung isang sugat nalang ang magagawa.
Naubusan na 'ko ng panglanggas, naghilom na yung iba. Siguraduhin mo yung panghuli mong bala.













