Artikulo Uno: "Husgang Pamilya"
Husga? Siguro naman, alam mo iyon. Siguro naman, ginawa mo na iyon. Siguro naman, ginawa na ng iba sayo iyon.
Pamilya? Meron ka nun at sigurado ako doon.
Pero paano kung pag samahin natin?
May pamilya ka bang puro propesyonal ang trabaho o natapos na kurso?
Naranasan mo na ba na husgahan ng sarili mong pamilya? Husga nga ba o baka naman pagmamaliit?
Kung minsan talaga, nakakababa ng tingin sa sarili. Mapapatanong ka, “Bobo ba ako? Ang worthless ko ba talaga?” pero ang mas nakakatakot na tanong “Dapat pa ba akong mabuhay?”.
Pamilya dapat ang sumusuporta sa isa at hindi Hinuhusgahan ang kakayahan, talino, at talento ng isa.