Tama na girl. Ang rami munang boylet. Sa simula't simula nung highschool pa lang tayo wala ka ng ibang hobby. I didn't see you as malandi kasi the way i know you, you're not like that. Kaya nga nasasaktan ako pag nakikita kitang pinaglalaruan. Ever since 2nd year highschool, pa iba-iba ang boyfriend mo, parang more than 30 na ata. Alam ko may hinahanap ka, yung pagmamahal na totoo pero napunta ka sa lahat ng boylet mo na hindi ko alam anong interest sayo bakit pinaglaruan ka lang. I am an observer at surface lang naman ang nalalaman ko, wala akong alam sa ikot ng buhay mo pero girl halos iba iba talaga ang boyfriend mo, hindi ko ma-imagine bakit nila yan ginawa sayo, bakit ka nagbigay ng trust mo na ganun nalang? Hindi ka pa ba natoto ? Halos 10 years ng nakalipas ganyan pa rin ang status ng buhay mo. Maganda ka at hindi ka naman bobo. Marunong kang maghanap ng pera. Marangal naman ang trabaho mo. You are earning above the minimum wage, more than pa nga siguro. Kaya nga nagtataka ako, ano pa ang dapat mong patunayan sa sarili mo? You are the victim of your own doing. Talagang nakakalungkot kasi pinaglalaruan ka lang. I believe in a saying na " once is enough. Twice is too much. Thrice no more" pero bakit ikaw lampas ka nang 30 ata. Parang naging tanga ka na teh. Hindi lang sa isang lalaki, kundi sa lahat ng lalaking naging ka-relasyon mo. I wonder kung bakit naging ganun. Parang seryoso ka naman sa lahat ng naging boyfriend mo, ba’t parang ang rami. hahay.
I just wish that someday you’ll gonna find what you’re looking for. I just wish that someday maybe, you need to be patient on yourself. Baka kelangan mo lang e fix ang sarili mo para makapag isip ka. Sana mag fasting ka muna kahit 1 year na walang ka-relasyon. Baka makapag decision ka ng ma-igi. Ikaw lang talaga ang makakatulong sa sarili mo. Sana maging masaya ka at magkaroon ka ng pamilya na hindi ka iiwan.