Top 5
Siklot
“Sipit Namimilipit Award”
Ito ang unang beses na nalaro ko ito. May kahalintulad sa Jackstone. Eh hustler ako dati dun. Pero ito iba, curious ako kung paano ito laruin at kung paano manalo dito.
Highlight
Una sabi ko, malaki kamay ko baka may advantage yun kase maaari kong masambot lahat ng bato kung ganun nga yung mechanics ng laro. Totoo nga, may saluhan ng bato na naganap pero yung laki ng kamay ko ang nagpa talo sa akin. Since malaki itong kamay ko andami kong nasasalong bato na siya namang nagpahirap sa akin. Sa dami ng bato na nakasapo sa ibabaw ng kamay ko, ang hirap sumipit na gamit ang hinliliit at hintuturo. Mabilis akong natataya kasi kapag sisipit na gumagalaw yung mga bato sa ibabaw ng kamay ko na kailangan ko pang ibalanse para hindi mahulog habang sumisipit ako ng mga batong nakakalat sa sahig. Nakakangalay yung maging stiff yung mga daliri at the same time mamumulot ng iba pang bato. Pero sila Che bilang maliit ang sakop ng kamay ay malaya ang iba nitong daliri at kakaunti lang ang nasasalo niya.
Nung natapos ko naman na masimot yung mga bato sa sahig, susunod na gagawin ay ihahagis ang bato na nasalo sa ibabaw ng kamay ng sabay sabay. Since marami talaga ang nasasalo ng kamay ko, mababa ang lima, nung hinihagis ko layu-layo na ang mga bato. Ang hirap magdecide kung ano ang uunahin sambutin kasi ang layo ng agwat at mukang hindi talaga kaya makuha ng isang kamay sa napaka bilis na sandali lamang. So inihagis ko at ‘yun nga kalat kalat, iniisip kong diskarte taasan yung hagis para malayo layo pa sa sahig eh alam ko na anu yung unang sasaluhin ko at maaaring masalo ko lahat, pero hindi ganun ang ngyare, pag ka hagis sobrang layu-layo ang mga bato tapos ang ending wala ko nasalo ni isa. TInatawanan na lang ako ng mga kalaro kase nga wala pa akong baboy. Sila mayroon na kahit isa. Sa puntong ito, ako na ang burot.
MVP
Rachelle Lindog










