ayokong maubusan ng mga salitang maglalarawan sa iyo.
kaya't susubukan kong unti-unting himayin ang salimuot ng kariktan at karimlan mo.
hanggang sa magsawa na akong langhapin ang hangin sa pagitan natin,
na walang ibang alam gawin kundi bumulong ng palihim.






