Nakakatuwa't nagkakaisa ang mga masa para sa iisang kandidato, ngunit paalala lang, masa ang mesias. Ibig sabihin, múlat na tayo sa sistemang palyado sa kasalukuyan at nagdaang administrasyon. Gayunpaman, hindi sapat na si Leni Robredo lamang ang kaisa-isang dapat nating pagbuhusan ng suporta. Malawak pa rin ang sektor ng ating lipunan. Narito pa tayong mga kabataan (mag-aaral man o manggagawa), uring manggagawa (white man o blue collar), kababaihan, ang pambansang minorya (aeta, dumagat, waray, etc.) at iba pang batayang sektor na taon-taong nang humihingi ng komprehensibong tugon mula sa kanilang mga matitinding panawagan. Tandaan, ginagawa dapat ng isang politiko ang serbisyong pampubliko, hindi lamang dahil sa ito ang hinahanap natin, kundi dahil natutunugan nating iyon ang kanyang responsibilidad at masaya siya na linyang masa ang nakakatamasa. Ngayon, kahati ng responsibilidad na iyon ang ating matalinong pagboto sa mga tumatakbong kandidato dahil hindi lamang iisa ang kumakatawan sa gobyerno ng Pilipinas (at hindi dahil may mga nagawa na siya para sa ating bansa o tamang nai-representa niya ang bayan ay sapat na iyon — bare minimum pa nga rin ang sweldo natin, e. Dapat yung dcerb naman, 'di ba?) Panatilihin pa rin nating magtasa nang magtasa sa kung ano bang nagawa kaysa sa nasabi o nabanggit. Magnilay, 'wag sayangin ang boto, dito lamang ulit tayo magiging pantay-pantay. Galingan sa pagpili. Gamitin ang karapatan para sa mas matimyas na kinabukasan. (Sa mga hindi pa rehistrado't may kilalang hindi pa nakakapagpa-rehistro, humihingi ako ng tulong para magbigay ng oras para maging isang ganap na botante.)