Nakaka ewan. Hindi ko na maintindihan. Lahat naman ok dati. Walang mga bawal. Pwedeng gawin lahat. Ni hindi nga tayo mapag hiwalay. Laging may nag tra transfer sa tabi ko para may kasama ako, kahit napapagalitan ok lang. Perang baon ko, nagiging baon nyo na rin, pagkain ko pagkain nyo rin, mga kagamitan ko, kayo'y nakikigamit na rin. Hindi natin maitatago ang closeness at sweetness natin. Ilan na nga sa atin ang napagkamalang mag jowa dahil sa ating mga ina asta. Akala talaga nila tayo eh. Lagi ka sa tabi ko, ibang klase ang kulitan natin. Ang hilig mong mangagat ng balikat, ang hilig mong mangiliti, ang hilig mong mang asar. Ewan ko ba kung bakit hindi kita kayang tiisin. Ewan ko ba kung bakit hindi kita kayang layuan. Kahit na alam kong may girlfriend ka, im still here. Kahit alam kong nakaka sakit na ako ng ibang tao, ginagawa ko parin for you. Ilang beses mo na akong nilayuan, ewan ko kung nananadya ba ang tadhana at pinag lalapit parin tayo. Ilang beses na kayong nag away ng girlfriend mo dahil sakin, lalayo ka sakin yet babalik parin. Alam ko naman na ako ang mali dito pero i dont know, ewan ko ba kung bakit hindi parin ako lumalayo. Kahit na tsaka ka lang lumalapit kapag nag aaway kayo o nag hiwalay ko, kahit na hindi mo ako na aalala kapag kayo, kahit na OPTION LANG AKO, kahit na LAGI MO AKONG INIIWAN SA ERE, kahit na HINDI MO PINAGLALABAN ANG KUNG ANUMANG MERON TAYO, kahit na WALA NAMAN TALAGANG TAYO. Ewan ko ba. Sa twing kayo, nakikita ko naman na masaya ka, kahit para kang asong sunod ng sunod sa kanya, alam ko deep inside masaya ka. Mahirap tanggapin, kung alam mo lang kung gaano ako ka galit sa twing ganyan ang nangyayari, pero kapag nakikita kitang malungkot, umiiyak nanaman dahil sa kanya, nawawala lahat ng galit sa puso ko, nawawala lahat ng mga pait na idinulot mo. EWAN KO BA, ANG HINA KO KASI PAGDATING SAYO EH. Ngayon heto ka na naman, unti unti ka na namang bumabalik sa kanya. Ewan ko ba lagi nalang bang ganito ang eksena? Lagi nalang ba akong magiging takbuhan kapag ika'y nag iisa? Lagi nalang ba akong maiiwan sa twing ikaw masaya na? Mga pinagsamahan natin para sayo'y wala naman atang halaga. Maraming nagsasabing perfect tayong dalawa, maraming nagsasabing sana tayo nalang ang unang pinag tagpo ng tadhana, kung bakit hindi nalang tayong dalawa, na ang mga kilos natin ay RELATIONSHIP GOALS, hindi lang nila alam kung ank ang nangyayari. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang mga nangyayari. Ayoko sanang sumuko, ayoko sanang magpatalo sa sakit na nataramdaman ko, ayoko sanang tanggapin kung ano ang totoo, pero i guess ngayon na ang tamang panahon para tanggapin ko na OPTION LANG AKO.