Happiest birthday to you old bestfriend! I know i've hurted you. I know that that pain i've caused you before had changed a lot in you. I was absent during your special day, i hope you're happy with my birthday gift for you; my absence. Sabi ko sa sarili ko, siguro naging masaya ka during that day kasi wala ako, wala ako na kinaiinisan mo, feeling ko you even wished for me to get lost. Sana naaalala mo pa kung paano kita pinagtakpan noon, paano ko isakripisyo ang oras na dapat nag tratrabaho ako para sa CBS para lang makasama ka, kung paano kita tulungan sa mga protekto mo para lang hindi ka bumagsak, kung paano kita bigyan ng mga sagot sa tuwing may pagsusulit tayo kahit na alam kong mananagot ako kapag nahuli ako, na kahit ilang beses na akong pagalitan ng mga guro dahil mas pinakikinggan ko yang kwento mo kesa sa leksyon, kung paano ako napagalitan sa adviser natin dahil sa hindi ko pag suway sa mga maling ginagawa mo, kung paano kita ipinagmalaki sa mga kaibigan ko na hindi mo ako pinapabayaan sa kahit ano, kung paano ako naghahanap ng remedyo sa tuwing wala kang pambayad, kung paano ko iwan ang mga kaibigan ko masamahan ka lang sa mga kalokohan mo, kung ilang beses kitang tinanggap sa kabila ng bigla bigla mo nalang pag iwan, kung ilang beses ako nakarinig ng masasakit na salita galing sa ibang tao dahil sa mga pinag gagagawa mo, kung ilang beses na akong umiyak dahil sayo, kung gaano ka kasweet sa akin, kung paano mo amuyin ang aking buhok sa tuwing nag susulat ako, kung gaano ka ka badtrip kapag hindi ako pumapansin, kung gaano ka katakot na iwan kita, kung gaano ka natataranta sa tuwing sinasabi kong iiwan na kita, kung gaano ka nagagalit sa tuwing nilalayuan kita, kung ilang beses mo akong bilhan ng tubig sa isang araw, at sana maalala mo pa kung gaano ako nasaktan sa mga huling salita na iyong sinabi sa akon, sana maalala mo lahat ng mga paghihirap ko para sayo, sana maalala mo na ni minsan hindi ko inisip na magbago, ni minsan hindi ko inisip ang pag layo sayo, kahit na kilala mo lang ako sa tuwing may kailangan ka, kahit na nagiging option mo lang ako sa tuwing wala ka nang mapuntahan na iba, kahit na sobrang hirap at sakit na ng pinagdadaanan ko para lang sayo, kahit na napakasakit ng mga salitang sinasabi sakin ng girlfriend mo, kahit na ilang ulit na akong pagsabihan ng mga kaibigan ko, kahit na ilang ulit na ako batukan ng napakaraming tao para lang matauhan na ako, kahit na sobrang hirap na hirap na hirap na hirap na ako. Bakit ganun? Tinitiis ko lahat ng mga masasakit na salita. Sa dinami dami ng mga natatanggap kong payo at mga kung ano-ano para lang bitawan kana, hindi ko ginawa. Hindi ko magawa dahil mahal na mahal kita. Ni minsan hindi ko naisip na magsasawa ako sa kakaintindi ko sayo. Sobrang nasasaktan ako ngayon dahil ako na napakaraming naitulong, ako na napakaraming naibuhos na pagmamalasakit sayo, ako pa ang nagmumukhang gago. Parang awa mo na, pag usapan natin to. Parang awa mo na sabihin mo sakin kung bakit at kung anong maling nagawa ko para iwan moko? Sa tuwing ikaw ang may mali, sa tuwing ikaw ang nananakit sakin, hindi ko naisip na lumayo. Bat ganun? Sa storya natin, lagi nalang akong dehado, lagi nalang akong talo. Hanggang kailan kaya magiging ganito ang daloy ng kwento? Ngayon, walang kibuan, walang nag uusap, walang pansinan. Hanggang kailan tayo magtitiis na hindi pansinan ang isa't isa? Minsan nakikita ko na nakatingin ka sakin, bakit pa? Para san pa? Wala na lahat, winala mo na. Masakit man para sa akin, nagpasya na ako na tapusin na lahat ng mga namamagitan sa atin sa kung meron mang TAYO. Sana nag enjoy ka sa apat na buwan na pinag samahan natin, apat na buwan na puro kulitan at asaran lamang. Sana pagdating ng panahon, maisip mo kung ano ang sinayang mo. Maisip mo ang halaga ko. Sana mapagtanto mo na hindi mo nalang dapay ako pinagtabuyan palayo. Nasaktan na ako ng lubos noon dahil din sayo iyon. Ngayon nasaktan na naman ako dahil sayo, parang awa tama na. Hirap na hirap na hirap na ako. Sana pagdating ng araw na kaya mo na akong kausapin, sana hindi pa huli ang lahat. Sana kaya ko pang ibalik lahat. Pero I guess, things will never be the same again. Iloveyou so much though it hurts. Im letting you go, i hope you can find a replacement. Imissyou, godbless.















