Kakatapos ko lang magbasa.. Ang hirap magumpisa. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Tinatamad akong mag-aral pero nape-pressure naman ako kapag nakikita kong nagaaral yung mga kaklase ko. Hindi ako makahanap ng magandang study habit. Ang tagal ko pa bawat page dahil hindi ko maintindihan mga pinagsasasabi ng libro. Umaabot ng lagpas 70 yung tuition namin tapos kahit basic terms hindi ko man lang maalala, pota.
Pero nagumpisa na ako.. actually last month pa nga, hindi lang consistent. Alam mo 'yung sinasabi ng mga tao palagi, na sa una lang 'yan mahirap? Tangina, supposedly, nakausad na ako, e. Pero hanggang ngayon ang hirap pa rin mahanap ng will na 'yan! Meron ba niyan sa shopee? Nasaan ka ba? paramdam ka naman kailangan na kailangan kita ngayon, e.
Nagumpisa na ako... Matapos ang ilang hakbang malabo panrin ang paningin ko at nangangapa ngapa pa ako.
Nagumpisa na ako... 'yun naman ang mahalaga, 'di ba?
21Aug04












