AAAAAAHHHH SOBRANG UNFAIR!
Bakit ba ako nagmedtech? Over work na, kulang pa ang pasahod. Sa totoo lang, wala pa kong kilala na medtech na umabot ng 30k ang sahod hahaha ang saklap diba?
Ayaw ko sanang umalis ng bansa pero parang wala naman akong choice. Hindi nakabubuhay ang sahod namin dito, sabi nga ni mama, sa akin palang ay kulang na. Hindi kami mayaman, walang ng trabaho pareho sila papa, at literal na minimum lang ang sahod ng kapatid ko. Kaya buhat din talaga namin ang gastusin sa bahay na 'to.
Akala ko after ko makapagtapos ng pag-aaral, magiging malaya na kami sa mga financial burdens, magagawa ko na yung mga gusto ko, makakain yung mga gusto ko, mati-treat yung family ko from time-to-time, pero hindi pala. Mas malaking responsibilities ang pinapapasan sa amin.
Sa totoo lang, gusto kong tanggapin ng buo ang obligasyon ko sa pamilya ko. Gusto kong maranasan ng mga magulang ko ang kaginhawaan, pero kulang na kulang talaga, e.
Hindi ko tuloy maiwasan kung minsan ay nafu-frustrate ako. O kaya sa simpleng bagay naiinis ako. Lack of financial freedom tightly intertwined with emotional destruction.
Degree holder, board passer, pero nasaan ako ngayon? Gumagawa ng paraan kung paano pagkakasyahin ang sweldo sa dami ng dapat bayaran, ilang buwan ko ng pinaplano ang bumili ng sapatos pero hindi ko magawa dahil baka kailanganin ko sa mas importanteng bagay. Hanggang pangarap na lang ang maipasyal sila mama sa mga beaches ganyan.
Walang ipon, puro utang.
Nalulungkot ako kasi pag naguusap yung mga kasamahan ko sa simbahan tungkol sa sahod nila, nanliliit ako. Yung sahod ko kasi parang pang inom lang nila, o pang happy happy. Samantalang ako, halos hindi na magkandaugaga kung paano magkakasya iyon sa loob ng labing limang araw.
Bakit ba ako nandito? Paano ba ako napunta dito? Napapagod na 'ko mag-isip. Hindi ako makahinga. Gusto ko nalang takasan ang lahat at kalimutan.
4-22-25










