8 DAYS.
8 days na kong walang daily journal tungkol sa intern. Hahaha. What to do. De okay lang. Monthly naman pinapasa namin.
Simula nung natapos na yung filing ng mga tambak na papel ay madalas nasa operations na kami. Ginagawa pa rin namin yung dati gaya ng nag-aassist ng mga member, nagpo-photocopy ng requirements, gumagawa ng database, passbook, at ID, nagrerelease ng check at nagta-type gamit yung electric typewriter. Minsan nagpapa-pirma kay Gen. Cabantac every tuesday dahil wala si president nun. Minsan nagdedeposit sa DBP.
Last January 22, 2014 ay nagkaroon ng medical mission ang FILVETS at isinama si Joana at Nina doon. Naiwan kami ni Lanie sa office at ginagawa ang dating gawi, nakaupo kami sa front line at nagaasikaso sa members. Wala na pala yung isang empleyado pero may pumalit as trainee.
Nung January 24, 2014 naman ay nagkaroon ng BOD Meeting. Nung umaga dahil busy lahat para sa paghahanda ng meeting ay kaming dalawa lang ni Lanie ang namigay ng flyers sa Gate 1 at bumalik na rin kami agad pagtapos namin. May isang estudyante sa course namin ang kasama namin dahil magbibigay sila ng letter para sa business plan.
From 11:30am-4pm ang bod meeting sa AGFO. Kumain muna sila ng lunch. At nabibiyayaan din kami ng kanilang ulam na kare-kare at pakbet. haha. Kain na rin kami ng lunch. Tapos madalang na lang yung dating ng mga member.
Nung bandang 3pm nagpapawithdraw naman si Ma'am Precious samin ni Lanie kasama ung trainee at pumunta kami sa Veterans bank sa PVAO at dun sa DBP pero wala pa daw laman kaya dun kami nagpunta sa veterans sa may likod ng AFPCES. Sinabihan na kami na naghahang yun pero tumuloy pa rin kami. Until may kinain na isang card.. Grabe lang kaba ko nun. Syempre kami nagwiwithdraw eh. Tas yung kasama naming trainee sya yung nagtanong dun sa loob paano gagawin. Tas tumawag kami sa avacc pinaalam yung nangyari at sabi bumalik nalang daw kami sa PVAO baka meron na laman ung sa DBP. Nagtuloy pa rin kami magwithdraw.
Pagbalik namin ay andun na sila dahil tapos na ang bod meeting at medyo hayahay nalang kami. kwento kwento hanggang sa mag 5pm.Nung uwian namutla si accountant at nahilo tas dinala nila sir jun, sir mark at sir trainee dun sa clinic sa loob ng camp aguinaldo sa gate 1. Medyo natataranta na sila Ma'am Arlene at Jeannie. Tinawagan na rin yung asawa ni accountant at medyo kinakabahan na rin. Ang sabi kailangan ata dalhin sa ospital dahil may tendency na ma-stroke..









