Bakit ipinagbabawal ang pagkain ng Baboy?
Una : ito ay pag-uutos ng Diyos na bawal kainin ang baboy, ito ay nabanggit sa Qur'an at ganun din sa Bible, at bilang isang muslim kami ay masugid na sumusuko, tumatalim at sumusunod sa kautosan ng Diyos, yan po ang ibig sabihin ng isang muslim.
Pangalawa: ang isa sa mga dahilan na nabanggit sa Qur'an na ang baboy ay marumi.
at ito ay napatunayan ng mga dalubhasang doktor na ang baboy ay maraming sakit na idinudulot kapag kinain, at may mga uod na sumisira sa mga internal organ ng tao na nagiging dahilan ng sakit.
tunay na ang Diyos ang nakakaalam ng kabutihan para sa atin.
Ayon sa Leviticus 11:
7" At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo. 8 ”Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin; mga karumaldumal nga sa inyo."












