Lumilipas ang mga araw..
Ilang araw na lang at lalabas na kami sa RC. Oo, literally. Magkakahiwalay-hiwalay na kami. At nakakalungkot isipin na sa apat na taong magkakasama sa isang campus na kilala mo halos lahat ng mga tao ay kailangan mo nang iwan. Well, sabi nga nila, nothing lasts.
Nakakainis yung change of moods ko. Ok? :)) Kasi kanina. Sa Anthony. Sobrang saya namin dahil sa surprise na pagkanta para lang makagimik na walang quiz. Teehee. Yung pagtawa namin. Ang pagshesher ng pagkain. Yung pang-aasar niyo sa isang classmate niyo. Pinagtutulungan. Lol. Sorry naman. :P
Yung mga bagay na sigurado namang hindi na mauulit sa college dapat na nating sulitin. Nakakainis! Kasi pati ang aking service mamimiss ko. Kahit na tatlo lang kaming nag-uusap dun palagi. Yung simula RC hanggang bahay na kwentuhan. Mga hindi nauubusan ng laway e. :P
Ang hirap talagang maattach sa mga bagay na alam mo namang magtatapos din sa huli. :(
Sobrang mamimiss ko St. Anthony. St. Aloysius. St. Gabriel. St. Dominic. RCians. Friends. Super friends. Tropa. Teachers. Lahat naaaaa. :(













