Labing anim na taon akong duda at di talaga nahikayat sa mga kwentong kakatakutan. Hindi ako naniwala hanggang sa masaksihan at marinig ng kuya ko ang isang kagimbal-gimbal na karanasan ng isang kaklase, si Mark Anthony Rivera.
Ang kwentong ito ay base sa detalyadong salaysay tungkol sa naganap noong ika 7 ng Pebrero 2009, sa field trip nila sa Baguio.
First time ko sa Baguio kaya isang linggo bago ang tour nakaempake na ako. Dumating ang araw na hinhintay naming magkakaklase. Kasama ang 5 guro, nagkita-kita ang lahat sa Victory Liner, Pasay eksaktong ika-siyam ng gabi ng February 8. Ang inaasahang apat na pung estudyanteng kasama ay tatlumpu’t siyam lang, nasaan si Mark?
Isang text message ang nareceive ni Sir dela Rosa galing kay Mark. “Sir, sorry hindi po ako makakasabay tonight. Pero susunod po ako tomorrow morning. I will use my brother’s car na lang po.”
Sumagot naman si sir ng “OK.”
February 9, alas sais ng umaga, tumunog ang cellphone ni sir dela Rosa, “Sir on my way po. Mga before lunch dyan na po ako. Pakitext lang po yung location ng hotel or kung nasa tour po kayo para hahabol na lang po ako.”
Nag reply si sir ng “OK. Dito kami sa Rex Pension House malapit sa Victory Liner. Sundo na lang kita pag dating mo.”
Dumating ang alas onse, alas dose pero walang nagparamdam sa cellphone. “San ka na?” ang text ni sir dela Rosa.
Ala una na ng hapon, walang text, walang tawag. Ang limang guro ay di mapakali. Anong nangyari? Bakit wala pa ang kaklase ko?
Ilang beses sinubukang tawagan ang kanyang numero pero tila naka-off ito. Binuksan ang telebisyon at radyo dahil baka may aksidenteng naganap, meron nga pero hindi naman sa Baguio.
3:30 ng hapon, isang text sa cellphone ni sir dela Rosa ang bumulabog sa lahat, “Sir d2 na po ako malapit Victory Liner station. San ko po kayo pupuntahan?” Lumiwanag ang tarantang mukha ng aming guro. Magrereply sana si sir ng “OK, puntahan kita dyan.” subalit napigilan siya nang mapansin niyang ang oras na nakarehistro sa message, 11:07 AM. Napakamot siya sa kanyang panot na kukote.
Kung nakarating sa Baguio bago mag alas dose si Mark, ee nasaan na siya? Bakit di man lang siya tumawag para masigurado ang pag sundo sa kanya? Baka nabagot dahil walang nagreply sa 11:07 AM na text niya at bumalik na lang ng Maynila? Maaari pero mababaw na dahilan dahil required ang fieldtrip. Hindi naman kaya baka hindi talaga siya sumunod sa Baguio dahil sa umpisa pa lang ay ayaw na niya. Nagkunwari lang siyang susunod at gagawa na lang ng istorya para makalusot? Wag naman sana, pero posibleng nakidnap siya o kaya nahulog sa bangin ang sasakyan tapos walang nakakita. Ang lahat ay mga ispekulasyon lamang. Hangga't walang tiyak na balita tungkol kay Mark, walang nakakaalam.
Minabuting pumunta si sir dela Rosa kasama si Maam Abural sa di kalayuang police station para ireport ang nangyari subalit nung papalabas na sila ng Pension house, tumunog ang telepono ni sir dela Rosa.
"Sino? Si Mark?!" agad na tanong ni Maam Abural.
"Oo" maikling sagot ni sir habang pinipinot niya ang answer button. Idinikit ang telepono sa kanang tainga sabay sabi ng "HELLO! MARK! NASAAN KA?!"
"SIRRRRRRRRKKKZZZZZ! DITO PO SA KKKKKKRRZZZ!!! KKKKRRTZZZ!!!"
"MARK! MEDYO MALABO! DI KITA MARINIG NANG MAAYOS!"
"KASAMAAARRRRRKKKKZZZZZZZ KO PO SI SKKKKKKKKRRRZZZZ!"
"PAKITEXT ANG LOCATION MO HA! PUNTAHAN KA NAMIN! ITEXT MO NA NGAYON! HA?! DI KITA KASE MARINIG! TAWAG KA ULET. TAWAG KA ULET!"
"Oh ano raw!?" tanong ni maam Abural.
"Di kami magkaintindihan." Nangangambang sagot ni sir dela Rosa habang nakatingin sa LCD ng kanyang cellphone. "Parang may kasama raw siya. Hindi ko naintindihan gaano."
"Antayin natin yung text niya saglit."
<biglang nag vibrate at tumunog ang cellphone ni sir dela Rosa>
Mensahe: "Sir dito po ako ulet ako sa tabi ng victory station. Red car po, PN XRF 870."
Reply: "Sige dyan ka lang, pupuntahan ka namin ni maam Abural. Mga after 10 minutes dyan na kami."
Pumara agad sa labas ng pension house si maam Abural at sir dela Rosa suot ang kanilang jacket at tinungo ang kinaroroonan ni Mark. Madilim ang kalangitan at nagbabadya ang isang malakas na ulan.
Pumarada ang taxi sa tapat ng bus station. Pumatak ang metro ng P40. Pagkababang-pagkababa, ipinaikot agad ng dalawang guro ang paningin, hinahanap ang pulang sasakyan. Wala ni isang pulang sasakyan sa harap ng bus station kaya't naghiwalay ang dalawa at pumunta sa magkabilang gilid at kalapit na mga kalsada ng bus station.
"Maam, ano? Nakita mo na?" text ni sir dela Rosa kay maam Abural.
"Pula diba? wala. Ang linis nga ng kalsada rito ee." Ang sagot sa text ni maam.
"Kita na ulet tayo sa tapat, ginu-good time yata tayo nung bata."
Naupo sa labas ng convenience store sa tapat ng bus station si sir dela Rosa. Habang kumuha naman ng 2 kape si Maam Abural sa loob ng convenience store.
Nag palipas sila ng ilang saglit, tahimik at balisa.
<Cellphone ringing. MARK calling>
Kaagad na sinagot ni sir ang tawag.
"OH DITO NA KAMI." malakas na sagot ni sir dela Rosa. Naaninag ang usok sa kanyang bibig dahil sa lamig. "SAAN KA BA NAKAPARK?"
"DITO SIR SA TAPAT NG STATION. AH TEKA, MALAPIT SA 7-11. SA RIGHT SIDE PO."
Tumayo at ipinaling ni sir dela Rosa ang mata sa kanan. "PERO WALA AKONG NAKIKITANG PULANG SASAKYAN." Ibinaling niya ang mga mata kay maam Abural na sa mga na 'yon ay dala-dala na ang dalawang kapeng nakalagay sa paper cups. Kitang kita sa kanyang mukha ang pagtataka. "GANITO, PUNTAHAN MO KAMI RITO SA LABAS NG 7-11, NANDITO KAMI NI MAAM ABURAL. NAKAUPO." dugtong ni sir dela Rosa.
"SIGE SIR WAIT." Naglakad ng ilang hakbang si Mark. "DITO NA AKO SIR SA TAPAT. SAN PO KAYO?"
"NAKATAYO AKO! NAKAJACKET NA BLUE! HINDI KITA MAKITA! ANO BA SUOT MO?"
"Black na sweat shirt sir."
"DI KA NAMIN MAKITA!" unti-unting nang naaasar si sir dela Rosa. "NAKIKITA MO YUNG WHITE NA JEEP NA NAKAPARADA SA TAPAT NITONG 7-11?"
"White na jeep?......... wala po sir!"
"NAKU! NASAAN KA BANG BATA KA?!"
"SIR!!!!!! KKKKKRRZZZZZZ!!! SSIIRRRRRKKKKKKZZZZZZZ!!!"
"Naputol!" nakatingin si sir dela Rosa kay maam Abural. "Tara balik na tayo. Ayokong mabasa ng ulan sa kakaantay dyan sa batang yan."
Kaming mga estudyante ay walang muwang sa pag-aalala at kabog ng dibdib na dinadala ni sir dela Rosa at iba pang mga kasamang guro dahil kami ay busy sa team-building activity. Bandang alas-sais lang namin nabalitaan ang tungkol kay Mark. Nung mga oras na iyon, iniisip kong mahihirapan kaming lahat na makatulog nang mahimbing.
Lumipas ang hapunan. Ikawalo ng gabi. Ikasiyam. Medyo nakalimutan na si Mark. Hanggang sa isang tawag sa cellphone ni sir dela Rosa, bandang ala-una ng madaling araw, ang gumulat sa limang guro.
"SIR! PAKIBILISAN NYO PO!"
"Oh Mark! Ano nang nangyari?"
"DITO NA PO YATA AKO SA TAPAT NG REX PENSION HOUSE. NATATAKOT PO AKO!"
"NARINIG NIYO PO BA YUNG BUSINA KO?"
"Oo, narinig namin. Pupuntahan ka namin dyan ngayon na."
Sa di inaasahang oras, biglang bumulaga sa harap ng lahat si Mark. Ang lahat ay nagising. Nagtataka. Nagtatanong. Anong nangyari?
Binigyang linaw ni Mark ang lahat noong mga oras ding 'yon. Ang mga inilaha niyang mga karanasan mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-dose ng hating gabi ay sadyang nakakapangilabot at di kapani-paniwala.
"Ginugood time yata ako ni sir. Hanapin ko na lang siguro mag-isa ang Rex." Bulong ni Mark sa sarili.
Isinaksak ang susi ng sasakyan. Binuhay ang makina sabay tinapakan ang gas. Iniwan ni Mark ang convenience store at minabuting hanaping mag-isa ang Rex Pension House.
Nilibot ang buong Baguio pero hindi nasumpungan ang hinahanap hanggang sa mapadpad sa isang lubak-lubak at madilim na kalsada. Eksaktong alas sais nang biglang umingay at umusok ang makina. Huminto ang sasakyan sa gitna ng kawalan at umihip nang malakas ang basang hangin. Bumaba ang ulap. Mas lalong lumamig ang paligid. Kitang kita ang pagka-bad trip sa mukha ni Mark. Bumaba ng sasakyan suot ang dilaw at makapal na jacket na ipinatong sa itim na sweat shirt para tingnan ang makina. Ibinagsak din agad ang hood dahil wala pala siyang alam sa pagkumpuni.
Pinihit ang susi sabay tapak sa gasolina. Tumunog lang ang makina pero hindi ito nabuhay. Makailang ulit niyang sinubukan hanggang sa mapigilan nang marinig ang isang mahinang tinig na tila nanggagaling sa di kalayuan.
"Mark!" ani ng mahinang tinig.
Nilingon niya ang likod ng sasakyan. Sinilip ang tinutumbok na daan pero walang nakitang anuman.
"Mark!" ikatlong tawag ng mahiwagang tinig. Habang tumatagal papalakas ito nang papalakas. "Mark! Mark!"
Ibinaba ng binata ang mga lock ng pintuan ng sasakyan at kumuha ng flashlight. Unti-unti nang dumidilim ang kapaligiran. Muli niyang ipinihit ang paningin sa likuran pero walang nakitang kakaiba maliban sa dinaanang lubak-lubak na kalsada. Subalit nang muling ipaling ang paningin sa harapan, isang liwanag sa kalayuan ang bumungad. Tila may isang taong nakatayo lang, nagmamasid sa kalayuan, kapit ang isang gasera.
Mas lalong kinabahan si Mark. "Sh*t! Sino yun?"
"MARK!" mas lalong malakas ang pagtawag sa kanyang pangalan. "MARK! MARK! MARK!" Nanggagaling ito sa labas ng sasakyan.
Di maipaliwanag ng binata ang nadarama. Ipinikit na lang ang mga mata, itinakip ang mga palad sa dalawang tainga at ipinagdasal na himatayin na lang sana siya kaysa patuloy na matakot at kilabutan. Dahil sa mga pangyayari di niya napansing dalawang oras na siyang nakahinto. Nandun parin ang liwanag at taong nakatayo. Tila nagmamasid sa kalayuan.
"MARK! MARK! MARK!" mas malakas ang pagtawag sa kanyang pangalan. Di mawari kung saan nanggagaling.
Idinilat ni Mark ang mga mata at inalis ang mga kamay sa tainga. Mas dumoble ang takot nang makarinig ng mga yabag ng paa na tila umaaligid sa paligid ng sasakyan.
Ang liwanag sa kalayuan ay nagsimulang gumalaw. Lumalapit ang taong may kapit na gasera. Walang ibang sandata si Mark kundi ang kanina pang sinasambit na dasal. Mas lalong lumapit ang liwanag. Patuloy ang "MARK! MARK! MARK!" Nakakabingi ang paraan ng pagtawag sa kanyang pangalan.
Nagtaka siya nang mapansin sa relo ang oras, 11:45PM. "Sh*t...."
Unti unting namumuo ang hugis ng isang tao habang ito'y papalapit.
Biglang may tumalon at isang malakas na pagsampa sa hood ang nagpatalon sa takot kay Mark sa driver's seat. Inuga ang sasakyan na parang isang sirang upuan at kinalmot-kalmot ang wind shield. "MARK! MARK! MARK! MARK! MARK!"
"WAAHHHHH. WWAAAAAGGGG PO!!" di maipinta ang mukha ng binata. Nagsumiksik sa ilalim ng dashboard.
Mas lumiwanag ang paligid, nakarating na ang kanina pang naglalakad mula sa kalayuan. "Sir!" kinakatok ang salamin ng sasakyan. "Sir! Tao po!"
Lumabas si Mark mula sa ilalim ng dashboard at sinilip ang kumakatok.
"Sir! pasensiya na po kung natakot kayo sa alaga ko!" ani ng lalakeng may kapit na gasera, yapos yapos ang kanyang alaga.
"Ah yan po yung sumampa sa hood kanina?" bahagyang nawala ang takot at pangamba.
"Opo. Siya po si Ngongi. Bale aso po to ngongo nga lang." sagot ng lalake.
"Yan ba yung tumatawag sa pangalan ko kanina?"
"Ah ano po ba pangalan nila?"
"Mark, Mark ang name ko."
"Ah, hahaha. Malamang ito po yun. Dahil sa ngongo po si Ngongi kaya ganun siya tumahol, MARK! MARK MARK!"
"Ay t*nga talaga ako! Sige po. Saan po ba daan pabalik ng Baguio?"
"Baguio na po ito. Nasa dine-develop na subdivision po kayo kaya di pa maayos ang kalsada."
"Ah ganun ba. Alam mo ba yung Rex Pension House?"
"Dyan lang yan sa kwan. Gusto mo samahan ka namin ni Ngongi bilang paumanhin na rin."
"Sige po. Mag mami o lugaw na rin po muna siguro tayo. Medyo malamig po eh."
Biglang umandar ang makina sa di maipaliwanag na kadahilanan...
Joke.... Joke.... Joke...