Kakagising ko lang.
Ang buhay namin ay ganito: 10 hours sa isang araw -- followed by straight 30-hour duty -- tapos 10 hour duty ulit -- tapos another straight 30-hour duty -- tapos 10 hours ulit -- 30 hours -- repeat until I die.
Weekend o holiday, may pasok.
Pero kahit ganito, may time kaming magpumilit magpanggap na may "life". 'Yung ka-group ko, nagdidive na siguro ngayon sa Batangas. Merong nag-schedule ng badminton with friends. At iba pa.
Pag walang "escape", 'di malayong mas maumay ang tao sa buhay. Gaya kahapon, OB ER pa naman ako. 2AM na, may pasyente pa. Kung alam lang ng mga tao gaano karaming papeles ang inaatupag sa kada isang kumokonsulta... baka 'di nila ako masyadong susungit-sungitan sa mga tanong ko. Buti kung sa akin napupunta ang bayad nila, ni isang kusing wala naman. Heh.













