You make me complete. You're all that matters to me.. 🎵🎶
Unang week pa lang naming magkakilala, ang dami na agad niyang naitama at naituro saking magaganda. Nararamdaman kong andun yung determination niya para mabago ko yung bad sides ko. Although getting to know each other pa lang kami, makikita mo sa kanyang willing niya akong tulungan and he’s totally concern about me ☺️ Ang sarap sa pakiramdam non. Yung nasasaktan din siya pag nakakarinig siya ng hindi maganda against me. Nakakataba ng puso. Lalo tuloy ako namomotivate para mas maging better person dahil sa kanya. At dahil din sa kanya, nakakapag speak-out ako kahit na hindi directly. Siya yung palaging nandiyan pag kailangan ko ng kausap. Handa siyang makinig sa mga drama ko at sa mga hinanaing at inis ko sa buhay. Hindi ka niya agad i-jujudge. Hangga’t maaari, pag sasabhan ka niya pag nakikita niyang may mali sayo. Hinding hindi ka niya kokonsintihin sa mga gusto mo. Yan ang lalaking masarap ipagmalaki hindi lang sa ibang tao, kundi pati sa magulang ko! =))








