Ang daming tanong sa love no? Pero parang walang sagot. Or konti lang? Parang may answers pero for limited people lang. May nadevelop nga kaming theory jan nila Benice at MB, may raffle ata para sa pag-ibig. Naiimagine ko si Lord or someone na naghahandle ng love dito sa mundo, may roleta, bubunot para malaman kung sino yung mga magiging swerte sa pag-ibig. Dapat parehas kayo mabunot para magmatch? Pero ayun, narealize namin na kaya siguro malas pa rin kami sa pag-ibig kasi hindi pa kasama yung pangalan namin sa roleta. Parang makakasali ka lang kung established na yung self-identity at self-worth mo. May sariling meaning ka na at hindi mo na kailangan ng taong kukumpleto sayo. Siguro, yung mga couples na nabubunot sa roleta, sila yung hindi naman kailangan ng ibang tao para sumaya pero dahil nakilala nila yung partner nila, nakita nila na pwede pa pala maging mas masaya. Pipiliin nila maging mas masaya. Sino ba may ayaw nun diba?
Pero ayun, for now, kasali naman ata ako sa roleta ng swerte sa kaibigan. And for now din, enough na yun sakin. Kailangan ko pa rin talaga madevelop yung self-identity ko para makasali sa roleta ng swerte sa pag-ibig. Ewan ko ba, as a highly empathetic person, talagang masaya na ko makita lang yung ibang tao na masaya. Enough na sakin yung makarinig ng love stories, enough na sakin makita na merong pagmamahal sa paligid kahit hindi directed para sakin. Pero sana, kapag dumating na yung araw na makasali na ko sa roleta ng pag-ibig at mabunot na rin ako, sana piliin ko rin maging mas masaya pa kumpara sa saya na meron ako ngayon.











