Flex
Flex ko lang 'yung girlfriend ko, ayos lang ba? Nakita ko kasi 'tong tweet na 'to:
Hindi naman talaga perfect si Janina. Wala naman kasing ganoon, 'di ba? Tapos hindi rin naman ako naghahanap ng seryosong karelasyon noong mga panahon na nakilala ko siya. Pero wala eh, ang dali dali niyang mahalin. At mahal ko ang lahat lahat sa kanya--imperfections included. Sabi niya pa noon, marami raw siyang deal breakers. Eh sus, hindi naman pala big deal. Wala, mahal ko lang talaga lahat lahat sa kanya.
Pero eto na nga, flex ko lang siya kasi minsan talaga sa isip ko parang woah woah woah woah girlfriend ko ba talaga 'tong taong 'to???? Mahal ako nito????? Ako????? Huhuhu. Lahat ng friends ko na nameet ni Ja, tinatanong siya kung bakit daw ako. Hahaha. Nauulol sila eh. Epal ng mga 'yun. 😅
Pero nakakaulol naman kasi talaga!!!! Ito ha pakilala ko sa inyo girlfriend ko:
Panganay sa apat na magkakapatid. Parang siya na nagpalaki sa mga kapatid niya at lahat sila maaayos at mababait na bata. Napakaganda nga ng relasyon nila sa isa't isa eh. Idol ko siya sa pagiging ate. 😊
Mabait na anak. Tumutulong sa gastusin sa pamilya at masipag sa mga gawaing bahay.
Mahusay na guro. Sobra. Sabi ko nga, naging mas mabuti at mas maayos na tao pa siguro ako kung siya ang naging Grade 2 Teacher ko. 😅 Kaswe-swerte ng mga anak namin sa kanya. 😊 Kaya mahal na mahal siya ng mga estudyante niya eh. Mas mahal nga lang nila ako. Wahahaha. Ako good cop, siya bad cop eh. 😅
Maaasahang kaibigan. Laging handang makinig. Kahit na hindi sila madalas magkita-kita o mag-usap, hindi naman nawawala ang pagmamahal nila para sa isa't isa. 😊 Pero sana pa rin makilala ko na silang lahat!
Funny at witty. Huhuhu. Minsan akala niya nagccringe ako sa jokes niya kasi baka corny daw. E kako namamangha lang talaga ko sa utak niya! Kung papaano niya naisip mga ganung banat o jokes. Huhuhu. Madalas talaga, walang humpay tawanan namin as in! Sobrang funny ng baby ko. :(
Sobrang galing mag-sulat!! Mapa-English o Filipino. 😢 Talagang natutunaw 'yung puso ko kapag nagbibigay siya ng message. Jusk0. Sa kanya rin ako natututo na maging mas mahusay sa pagsalin sa mga salita ng mga naiisip at nararamdaman ko. Tapos kahit sa mga rules nga tulad sa paggamit ng "ng" at "nang" tapos ayun nga mga apostrophe. 😅 Ang ayos ayos ko na magtype. Hehe. Ginagaya ko kasi siya. 😅
Namamakyu ng mga nangcacatcall!!!! Grabe, palaban si ate girl Ja. 😅 Ako 'yung natatakot para sa kanya eh! Aktibista nga rin pala siya. Kung kaya niya nga raw ipaglaban ang mga maralita at masa, ako pa kaya? Aheheheheks.
Napakabuting tao. Syempre, nasa buhay niya kasi si Holy Spirit. 😊 Matulungin talaga siya tsaka napakabuti ng puso. 😊
Masipag, sobra! Kahit wala siyang pasok 'pag Sabado, nasa school 'yan para makita ako este para magtrabaho! Sobrang solid. Huhu.
Maalam sa mga bagay bagay!! Kahit pop culture man 'yan, mga pangalan ng tao sa literatura, mga isyu sa lipunan, name it! Alam 'yan ng girlfriend ko! Huhuhu. Ang husay sa pag-alala ng bagay bagay. Taba talaga ng utak niya. :(
Magaling mag-alaga. :( Hindi ako sanay na inaalagaan ang sarili ko. Ayos na nga sa'kin matulog lang buong araw 'pag hindi maganda ang pakiramdam. Pero ayun, one month after, medyo nasasanay na ko sa pag-aalaga ng baby ko. Spoiled na ko. 😢 Sana 'di siya magbago or magsawa sa'kin. Hehehe.
Talented!! Magaling kumanta, sumayaw at mahusay din sa arts!! Grabeh talaga. Nakakamanghang tao e. Lahat kaya. 😢
Napakaganda ng mukha. ((ayan baby ha hinuli ko na ang mga pisikal na aspeto. Alam ko naman ayaw mo nyan pero kasiiii maganda ka naman talaga. 😠)) Pati katawan huhuhu physically fit si gaga, varsity ba naman ng volleyball nung HS eh. Tinatalo pa nga ko nyan sa basketball sa Timezone. Huhu.
The list could go on and on. Pero tama na muna, lalaki na ulo ng baby ko hindi na makakalabas ng classroom 'yun nako. 😅😂 Pero ayan, given na sobra sobra sobra si Ja as a whole person, wala, araw araw tinatrabaho ko lang na hindi niya maramdaman na lugi siya sa'kin. She makes me want to be a better person. And she helps me to be one as well! Galing niyang role model eh. 😊 Hay. Napakablessed ko lang talaga sa girlfriend ko! TYL! Solid, solid.












