Pagkagising ko kaninang hapon, bukas agad ng TV. Nakitang iWitness ang palabas kaya't tinutukan ko na. Ito yung tatlong documentaries na napanuod ko kanina:
Naantig ako sa theme ng docu na 'to. As in sobra. Naalala ko yung mga oras na nagshu-shoot kami ng docu namin sa Manila North Cemetery. Naisip ko na wala pa sa kalingkingan nung docu ni Jay Taruc yung docu na nagawa namin. Kahit hirap na hirap na kami, mas grabe yung hirap at sakripisyo na dinanas ni Jay Taruc.
Ang story kasi non, sa loob ng 5 araw ay nag-ikot ikot si Jay para humanap ng mga pamilya na laging nakakaranas ng gutom. At pati sya, sinubok nya ang buhay na katulad non. Nagutom sya. Nandong isang beses isang araw lang syang kumain ng katiting at kakaibang hilo at sakit ng sikmura nga ang inabot nya.
Sa pagtatapos ng docu nya, nagpa-check up sya. At sa loob daw ng 5 araw, 7lbs na kaagad ang nabawasa sa timbang nya. Imagine?! Hindi daw yon normal dahil ang normal, 2lbs a week lang ang nababawas sa mga taong nagda-diet.
Dahil sa docu na yon, humanga ako kay Jay Taruc.
AMPON by Sandra Aguinaldo
Kakaiba din 'tong docu na to. Sumasalamin sa buhay ng tatlong ampon, isang napariwara ang buhay, isang naging maganda ang buhay at pati ang pagkikita nila ng tunay nyang nanay at yung isa ay ang gumawa ng docu na si Sandra. Nagulat ako na pati pala sya ay ampon din. Nakakaiyak yung mga scenes na nagpakita nung pagkikita nung ampon at nung birth mom nya. Sobra :(( Namiss ko si Mama bigla -___- Naiyak pa nga ako we. :/
Sa docu na yon, pati si Sandra ay sinubok din na hanapin ang tunay nyang nanay. Pero sa kasamaang palad, hindi nya na yon nakita.
BOY PUSIT by Sandra Aguinaldo
Hindi ko natapos yung docu na 'to. Pero nasumulan ko naman. Buhay yon nung tatlong batang magkakaibigan na sumisisid para manghuli ng pusit. Mga improvised na gamit lang ang ginagamit nila pag sumisisid. Goggles, paddle, lahat yung improvise. Kitang kita sa kanila kung anong kalseng buhay lang ang meron sila.
Sa kabila ng pagtatrabaho nila sa dagat, lahat sila ay hindi naman napapabayan ang kanilang pag-aaral. Alas kwatro palang kasi ay umaalis na ang bangka nila. At kung walang pasok ay maghapon sila sa dagat para manghuli ng pusit. Sa batang edad nila na yon, kitang kita ang bagiging bihasa nila sa paglangiy at panghuhuli. At dahil nga din don, hindi maiiwasan ang mga panganib na pwedeng mangyari habang nasa dagat sila.
Dahil sa mga documentaries na napanuod ko ngayon, lalo akong nabuhayan ng loob. Na-inspire ako sa mga napanuod ko. Naisip ko na sana balang araw, pagnaka-graduate na ko, maging ganon din ang trabaho ko. Bilang isa kong Mass Comm student. Hilig ko na dati pa ang panunuod ng mga ganong docu nung bata pa ko kasi natutuwa ako sa mga story at nabibilib din ako. Pero iba na ngayon. Iba na ang pumapasok sa isip ko sa tuwing nakakapanuod ako ng docu. Ang naiisip ko na ngayon, ang galing naman nila. Host na sila, writer pa. Sana balang araw maging kasing galing din nila ko. Gusto ko din gumawa ng mga documentaries. Gusto kong malaman kung paano ginagawa ang isang docu. At gusto ko, sana pagkalipas ng ilang taon.. sarili ko na yung nakikita ko sa TV na gumagawa nung docu katulad ng mga napapanuod ko. Libreng mangarap. :)