I think one of the funniest things that had come out of these protests is how Ms. Kara David, seasoned and award-wining investigative journalist, became a huge meme and somewhat one of the faces of the revolution because a video of her 52nd birthday wish where she says "Sana mamatay lahat ng korakot sa Pilipinas" (en. I wish all of the corrupt people in the Philippines would die) trended over tiktok and now her name's being plastered on signs as if she was the patron saint of the protest
There's so many other ones if you just look up "Ms. Kara David" on twitter but she's also trending alongside the actual protests too which is really funny
Sila [ang mga bata] ang binhi ng anumang lipunan, ang dapat pinkaaalagaan, ang dapat pinakapinahahalagahan. Dahil anumang sakit ng lipunan, bata ang tiyak na unang makakaramdam
Kara David, I-Witness: Mga Anak ng Pugad Lawin
https://www.youtube.com/watch?v=RKeEMv7mRw8
Habang pinapanood ko ang dokumentaryo ni Kara David ay hindi ko maalis ang bigat sa aking dibdib. Hindi ko maiwasang malungkot, maawa at magalit. Nalulungkot at naawa ako dahil sa sitwasyon ng mga tao sa Mercedes at hindi ko lubos maisip kung paano sila patuloy na bumabangon sa umaga upang mamroblema lamang sa kung anong kakainin nila sa maghapon. Nagagalit ako dahil sa sitwasyon nila at sa katotohanang hindi lamang sa Mercedes nangyayari ito kundi maging sa iba’t iba pang parte ng Pilipinas at ito’y tila hindi nasosolusyonan.
Napakaraming problemang nararanasan ang mga taga-Mercedes, mula sa malnutrisyon at kalusugan ng mga bata hanggang sa sanitasyon ng lugar. Napakaraming bata ang buto’t balat na lamang sa iba’t iba ngunit konektadong mga kadahilanan. Kawalan at hindi sapat na trabaho ng mga tatay ng mga bata. Dito tila nagpapanting ang aking tainga dahil hindi ito kasalanan ng mga taga-Mercedes. Walang magandang oportunidad na naibibigay sa mga taong nasa laylayan ng lipunan at ito’y tila hindi nabibigyan ng pansin ng ating gobyerno. Walang sapat na pera at sapat na pagkukuhanan ng pera ang mga taong ito upang tustusan ang mga simple at basic na pangangailangan. Isa pang maaring dahilan na kaakibat nito ay ang kakulangan ng edukasyon ng mga magulang lalong-lalo na sa family planning. Dahil wala silang ideya dito, nagkakaroon sila ng maraming anak at dahil nga hindi sapat ang pera nila, hindi sapat na natutustusan ang pangangailangan ng bawat isa. At kahit pa alam nila kung pano magplano ng pamilya, mas ilalaan nila ang pera nila sa pagkain kesa sa mga kontraseptibo. Ang napakaduming kapaligiran ng Mercedes ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng mga bata, dito maaari natin i-sisi, parehas sa lokal na gobyerno at sa mga mamamayan. Sa gobyerno dahil sa kakulangan sa mga programa at pasilidad. Sa mga mamamayan dahil sa kanilang kakulangan sa disiplina.
Hindi mawala-wala ang usaping kahirapan sa ating bansa at sa ating lipunan, tulad ng sabi ni Kara David, mga bata ang unang naapektuhan nito. Nakakalungkot dahil hindi ito dapat maramdaman ng mga bata pero nangyayari. Walang tamang dyastipikasyon sa sitwasyong ito at matapos panoorin ang dokumentaryong ito, mas nais ko nang makiisa sa mga programa sa aking komunidad at maging sa labas na naglalayong tumulong sa mga taong nasa laylayan ng lipunan dahil ito sa tingin ko ang pinakakaya kong gawin sa ngayon. At bilang estudyante ng DevCom, nais ko pang gumawa ng mga blog tulad nito na naglalayong magpahayag ng mga nangyayari sa ating lipunan upang malaman ng lahat, mamulat ang kanilang mga mata sa ganitong sitwasyon at higit sa lahat, magkaroon ng aksyon upang ito’y masolusyonan.