Life is not meant to be perfect. It is meant to be LIVED.
Siguro mga paisang milyong beses ko na itong attempt haha oa! na gumawa ng blog para ishare yung mga realizations ko in life. May nabasa kasi ako noon, matagal na yun, nung mga panahong broken ang lola niyo at bitbit ko hanggang ngaun...
A meaningful life is not being rich, being popular, being highly educated or being perfect… It is about being real, being humble, being able to share ourselves and touch the lives of others. It is only then that we could have a full, happy and contented life. ~Unknown
Kaya naman, eto na nga gusto kong ishare yung faith ko. I believe pag nasa Lord tayo, nasa atin ang Holy Spirit. Kaya naman i feel na si Holy Spirit talaga ang tumutulong sakin sa mga realizations and decisions ko in life, yung mga ganun, syempre laging may kinalaman sa faith.
Sa napakaraming beses ko nang sinubukan gumawa ng blog about sa faith ko, laging hindi ko maituloy kasi nawawala na sa isip ko yung mga gusto kong isulat tungkol sa mga bagay na hindi ko naiintindihan kung bakit nangyayari, tapos ipapaintindi sakin ni Holy Spirit, yung sa utak ko andun si negative - ako at si positive - Holy Spirit. Kung sasambitin ko nga lahat ng napasok sa isip ko, aakalain ng iba, kinakausap ko sarili ko, kasi literal na nagtatalo yung dalawa.
Bakit ganon? Ang hirap! Ala! Sa ibang araw na nga lang.
Yan lagi ang ending ng blog ko.
Kung bakit ba ga naman gustong gusto ko laging magsimula ulit sa nakaraan ko. Alam nyu yun, yung balik ako ng balik sa mga panahong bago ko nakilala si Lord. E ang tagal na non, ang haba kung isusulat ko lahat. Hanggang sa tatamadin na akong mag-umpisa dahil mawawala at makakalimutan ko na ang mga sasabihin ko.
Hanggang kanina, habang nakain ako at nagkukutingting ng instagram posts ko na imbes na sa padami ay pabawas, dahil dumelete nako ng dumelete, sa kagustuhan kong maging maganda at perfect ang feeds ko about faith, pabago bago kasi ako ng isip at ideya, kung ano ang mga ipopost ko. Tinanggal ko yung mga picture ko kasi naisip ko nalang bigla dapat si Lord ang makilala ng tao sa faith walk ko hindi ako. At dapat hayaan ko na si Lord ang gumawa ng way na ipakilala tayo sa mga tao. Not for the sake of fame but for a purpose of touching other’s lives how Jesus changed our lives for God’s glory.
Kaya naman talaga tayo nilikha ng Diyos ay para Sakaniya. Ginawa Niya tayong kawangis Niya.
Isaias 43:7 Sila ang mga taong aking tinawag. Nilikha ko sila para sa aking karangalan.”
Genesis 1:26 Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa lahat ng uri ng hayop: mga lumalangoy, lumilipad, lumalakad at gumagapang.” 27 Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya.
Habang naghuhugas na ako ng plato, naisip ko naman, dapat hindi ko nalang pala pinagdedelete yung mga unang posts ko para lang magmukhang maganda or perfect yung feeds ko. Kasi hindi naman mahalaga na maging perfect yun sa paningin, ang importante dun ay yung journey na pinagdaanan ko na nagpatibay at nagpalalim ng relasyon ko sa Lord. Pero hindi ko na rin naman dapat na panghinayangan pa yung mga nadelete ko na kung sa buhay...yung mga nangyari na, kasi mas importante yung ngayon at mga susunod ko pang ipopost. :)










