JFR: Chapter 1
Nakaharap ako ngayon sa soccer field ng Madison High. Sobrang lawak nito na pwede na atang magpatayo ng mall dito, pero hindi yung lawak ng fields ang nakikita ko kindi ang lalaking kahit saang view niya ay ang perpekto niyang tingnan. Other than music, isa ring athlete si Andre. Total package ang lalaking ito: matalino, mabait, gwapo, maganda ang boses at into sports pa na wala ka na talagang hahanaping iba pagnasasayo na siya.
I continued to look at him at napaisip ako na sana naging pawis nalang niya ako minsan, atleast man lang nakadikit ako sa kanya. Mainit pero iniinda ko para lang makita ko siya sa malapitan. Nakagawian ko ng tumambay ditto tuwing alam kong may practice sina Andre. Free sight seeing na kasi ito para sakin atleast may rason ako at di ko na kailangan pang magtago.
Habang tinitingnan ko siya ay natigil ako sa papalapit na kulay itim at puti na biglang tumama sakin. Natumba ako habang napahawak sa sa ulo ko at ang huli kong naalala ay nagsilapitan ang mga tao sa akin.
"Kukunin ko nalang ang bag niya sa room, Xan. Call me when she wakes up."
Unti-unti kong binuka ang mga mata ko while holding my head dahil mejo masakit parin ito. Napansin kong nasa clinic ako ng school namin ngayon. Tahimik dito dahil tanging tanawin lang ng botanical graden ng Madison ang makikita galing sa mga bintana.
I turned to my left at nakita ko ang isang lalaking nakatingin lang sa bintana. Klarong-klaro ang features niya lalo na ang matatangos nitong ilong, ang pilik matang kaiinisan yata ng kababaihan dahil sa mejo mataas at curvy ito at syempre ang mga matang seryosong nakatingin sa tanawin sa labas. Nilingon ako nito at akmang ngingiti na sakin.
"I'm sorry, Roan. I was mad, nadala lang ako ng nararamdaman ko at di ko sinasadya yun." Tiningnan niya ako sa mga mata ko at inabot ang mga kamay nito ang ulo kong kanina'y natamaan ng bola. "Masakit pa ba?"
"Ikaw yung nakatama sa akin?" Obvious naman yata ang sagot sa tanong ko dahil sa pagsosorry niya pero hindi ko maintindihan yung mga sumunod na salitang binitawan niya.
"Oo pero that hit was not actually for you..." Iniwas nito ang tingin sa akin at ibinalik ang mga mata sa tanawin sa labas pero patuloy padin niyang hinihimas ang ulo ko.
I was so confused. Para kanino pala ito? Hindi naman ata sa direksyon ng inuupo-an ko sa field ang goal ng kalaban nila a.
"Nakukuha niya parin ang atensyon mo kahit anong gawin ko." His words confused me more.
"What are you talking about Xander?" Mas hinimas niya pa yung parte kung saan niya natamaan ng bola ang ulo ko.
"It’s about you li--"
"Roan, gising kana pala? Thank God!" Napalingon kami sa lalaking kakapasok lang ng clinic. He immediately dropped three bags he's carrying at niyakap ako kaya naman ay inalis ni Xander ang kamay niyang nasa ulo ko.
"Apat na oras ka ring tulog ng dahil sa lakas ng tama ng bola." Kumalas ito sa pagkakayakap at nagkaharap kaming dalawa. I have never been this close with Andre and I swear I could hear how loud my heart was beating.
Ngumiti lang ako rito at naputol ang moment namin ng biglang nagsalita sa Xander.
"Roan, let's go. Maaabutan pa tayo ng dilim sa daan papasok ng subdivision. Pina una kona si Lance and I told him na ihahatid kita." Pinulot niya ang bag ko at ang isa pang bag na siguro'y kanya at nilingonan ako ulit ng nasa may pinto na siya.
"What are you doing there? Dalian mona." He was like half mad and half irritated.
"No Xan, ako na ang maghahatid sa kanya." Andre volunteered at alam kong sa mga panahong iyon ay pumula ang pisngi ko. This was once a dream for me.
"Wag na maaabala ka lang. Magkapitbahay lang kami dalawa ni Roan." Xander coldly said at nilingon ako na parang ako nalang hinihintay niyang tumayo. Tumaas ang isang kilay ni Xander at pinakita niya ang iritasyon sa pagaalinlangan kong tumayo.
Well tatayo na talaga sana dahil ayaw kong mag away nanaman kami dalawa like we used to since when we were kids nang hinawakan ni Andre ang mga kamay ko at tinulungan akong tumayo.
"Then ihahatid ko nalang kayong dalawa." Aniya ng hindi inaalis ang tingin sakin.
Minutes later we found ourselves sa loob ng sasakyan ni Andre. Siguro kakakuha niya lang din ng driver's liscence niya kasi kaka-18 niya lang a couple months ago. Nasa front seat ako at magisa naman sa likod si Xander. His face still looks irritated.
Hinatid kami ni Andre sa tinitirhan namin at hindi naman siya nahirapan dahil alam niya na ang daan papuntang bahay ni Xander na katapat lang talaga ng bahay namin.
Hindi masyadong malayo ang subdivision namin sa Madison ngunit tahimik ang dalawa sa loob ng kotse. I don't know why Xander looks so irritated. Ayaw niya nun, free ride pauwi?
Andre keeps on checking on me kada may madadaanan na stoplight at ngininitian nito ako. Pakiramdam koy para na akong kamatis nito at nakakahiya kay Andre baka mapansin niya.
Andre opened the door for me at tinulungan akong lumabas ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.
"Salamat sa paghatid." Aniko na nagpipigil ng kilig, my insides wanted to burst out. This was something I had always dreamt of, something na close to impossible lang noong una.
"Walang ano man, Roan. You take good care of yourself okay?" Ngumiti siya at naisipan kong mabuti na lang at hindi pa ako natutunaw sa kina tatayuan ko. Is this the turning point na matagal ko nang hinihintay?
Biglang bumukas ang gate ng bahay at napatalon ako sa gulat ng sumigaw ang nakababata kong kapatid.
"Ate! Kamusta kana? Masakit pa ba ulo mo? Sino sa dalawang ito ang may sala?!" Minsan talaga e may pagka-OA itong si Lance. He's a year younger than me pero sobrang close namin.
"Bro, ako nakatama jan sorry." Pagaako ni Xander.
"What? Ba't di ka nag iingat bro, minus 30 points yan." I was so confused kung ako pa ba ang pinaguusapan nila ng biglang nagsalita si Andre pero parang nasanay nadin ako na may sariling lenggwahe yang dalawang yan pag magkasama.
"No, I am at fault too. Hindi ko kasi tinamaan at pinabayaan ko lang lumagpas sakin ang bola so natamaan ang ate mo. I'm sorry, Roan." Nilingon ako nito at hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko.
"Iba din kayo ah. Yung ibang tao nagtutulakan pa nga kung sino ang may sala kayo pinagaagawan na. May dinner sa loob naghanda sila mama sabi kasi ni Xander siya maghahatid e. Pasok kayo." Aya ni Lance at pumasok na kaming lahat.
Pagpasok namin ay nagmano na si Xander sa parents ko at pati narin si Andre. Sanay na ako kay Xander na ganyan dahil simula pagkabata pa lang ay bestfriends na yan sila ni Lance at lagi yan dito sa bahay pero nagulat ako kay Andre.
"Ma, pa, si Andre po pala. Classmate ni Xander." Why do I feel like parang nagpapakilala ng boyfriend? This is actually something new dahil kahit kailan hindi pa ako nag dala ng lalaki sa bahay. I'm too young for that!
"Ma upo na kayo mga bata. Let's eat hindi dapat pinaghihintay ang pagkain." Sabi ni mama at umupo na kami lahat.
Biglang umupo si Andre sa tabi ko at parang makukuryente na ako dito sa kina uupoan ko. Si papa ang nasa center table at si mama naman ang nasa left side niya na nakatabi si Lance. Nasa right side ako ni papa kung saan katabi ko si Andre at si Xander ang nasa gitna nina Andre at Lance. Maliit lang ang dinner table namin at mabuti naman na kasya lang kaming anim dito.
"So Andre nasa grade 12 kana rin katulad ni Xander?" Mama asked when she smiled. Ba't parang may thrill akong nararamdaman dito?
"Yes maam, pero magkaiba kami ng strand, ABM po ako." Pormal na sagot ni Andre. Everyone was quitely listening at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tangging si Lance lang ang may alam na crush ko itong si Andre sa pamilya ko pero kinakabahan parin ako.
"Don't call me ma'am para naman akong teacher niyan. Tita Marie nalang." Tumawa si mama at pinatuloy ang pagsasalita. "So you're planning to take a business course?"
"Opo. Gusto din kasi ng parents ko na ako ang magmamana sa business ng angkan namin."
"You're the son of?" Nagsalita si dad at hindi ako mapakali, why does this the air feels like meeting the parents?!
"Albert and Jenny Pineda po." Ngumiti naman this time si Andre nung sumagot na siya.
"So you own hotels in beaches pala. I know them both, they're a client sa firm. Yung si Eli nga lang ang nakilala kong anak nila nung kami ang nag renovate nung beach house na gagawing parte ng business niyo." Pormal na pormal din sa pagsagot si papa ng biglang nagsalita si Xander.
"Tito, Andre's Kuya Eli is now into medicine." Anito at nagpatuloy ng kumain.
"Opo. Pinagbigyan na nina dad at lolo sa gusto niyang maging doktor kasi nandito naman din daw ako." And the conversation went on about business and about Andre's parents. It really felt like meeting the parents at hindi ako mapakali.
He is from a rich family. Matagal nang kilala ang pamilya nila dito sa lugar namin at may mga five star hotels din silang nasa ibang probinsya rito sa Mindanao. Some hotels are even along the beaches! Sabi niya ang family business daw nila ay nang galing pa sa lolo ng daddy niya kung kaya't matagal na ito at kilalang kilala na sa buong Pilipinas dahil may ibang branch na rin sila sa Visayas at Luzon.
After dinner ay nagserve si mama ng muffins na ginawa nila just this afternoon. They were good at kami pa lang ang unang nakatikim nito kasi isasali daw yung sa ibebenta sa pastry shop ni mama. She loves to bake at yan din yung business niya. Si papa naman ay may construction firm na mejo kilala rin dito sa buong lugar namin. Masasabing may kaya din ang pamilya ko pero hindi naman kami ganon ka yaman. Just enough to provide for what we need and give Lance and I a comfortable life.
Matapos naming magligpit at si Lance ang na atasang maghugas ng pinggan ngayong gabi. Ganyan kami pinalaki nina mama. Palitan sa paghuhugas ng pinggan at ang isa naman ay nagwawalis. Wala kaming katulog dahil kaya naman naming apat na i-maintain ang ayos ng bahay. May pumupunta nga lang na naglalaba sa amin, si Ate Ana every weekend yung schedule niya. My parents wanted us to learn how to do even simple house chores.
Nasa may gate na kami ni Andre kasi ihahatid ko siya sa sasakyan niya. Nilingon niya ako at ngumiti ito.
"I hope that's not the last time I will have dinner with your family." Anito at uminit ang pisngi ko. He's making the butterflies in my stomach go wild.
He's looking straight into my eyes at nagpapasalamat pa talaga akong natamaan ako ng bola. Worth it ata yung pagbibilad ko sa init ng araw kanina.
"Alis na ako, Dre. Hinahanap na ata ako sa amin."
Dumaan naman sa gilid namin si Xander at sumakay na rin si Andre sa sasakyan niya at umalis na.
This is probably the best day of my life. Ito na ba Lord? Ito na ba ang sagot sa gabi-gabi kong pagdarasal?
Pumasok na si Andre sa sasakyan niya at umalis na.
Isasarado ko na sana ang gate ng nakita kong nakatingin si Xander sa akin galing lang sa gate din nila. His face looks so serious at umiling ito bago pumasok sa bahay nila. I still remember what he said a year ago. Napaisip ako, ano kaya ang ibig niyang sabihin doon? Ganun ba talaga ka babaw para sa kanya ang feelings ko para kay Andre?
Click #jfrchap2 below for the next chapter
"Sigurado kaba talaga jan sa kinukwento mo?!" I can't believe she's my bestfriend when she does not even believe me nung sinabi kong nagdinn












