I woke up to a weird dream last morning and here I am using it to create something. Here it goes...
"Bro hindi ako makakasama sa breakfast ngayun sorry andito sina mama magpapahatid kasi puputang grocery " Ngumiti si Mark at tinanguan ko naman ito habang nagbibihis ng pang itaas ko.
"Tol hindi ka galit? Bat hindi ka nagsasalita?" I gave him a weird looking face signaling how weird his questions were.
"Ano ba? Alangan naman humindi ako diba? Mark your parents need you then go to them it's not like you need my permission." I causally said while picking up my bag para lumabas na ng kwarto.
"Right. Bakit nga ba ako parang nagmamakaawa sayo na payagan ako? It's not like you can't go get breakfast without me." He thought. He is weird. Mark has always been weird at some point.
Blockmate ko si Mark at magkaklase na din kami simula 1st year college. Since nasa iisang dorm lang kami nakatira ay sabay na rin kaming nagaagahan bago pumasok sa unang klase.
"Teka Mark, aalis ka meaning aabsent ka?"
"Yes tol. Lecture lang naman din sa philo ngayon kaya samahan ko na muna si mama. Minsan lang din ito magawi dito."
"Okay ingat kayo." I waved goodbye as I went out of my room and passed by Mark na kanina pa naka harang sa may pinto.
I took quick small steps pababa ng hagdan papuntang salas ng dorm upang makalabas na at makapaghanap ng makakainan.
This dormitory is not really the dorm type but a house. A house with around 10 bedrooms. The master bedroom is occupied by my landlady and her youngest daughter at minsan na rin ng asawa niyang paminsan lang umuwi dahil sa may trabaho ito sa iba't ibang lugar bilang cosntruction foreman. Yung isa naman ay pinagsasaluhan ng kambal nilang anak na ngayon ay nasa 2 year college sa parehong paaralan na pinapasukan ko.
"Ate Kali! Ang ganda mo. Bagay sayo buhok mo kelan lang yan?" Something I observe is that the typical conversation between women pagnagkita ito ay pinupuri ang isa't isa ng sobra.
"Isang linggo na ito ano ba kayo. Naisipan ko lang magbagong hairstyle. Okay naman ano? Matagal ko nang gusto magkabangs kaya ginawa ko na." Nakuha nito ang atensyon ko bilang ngayon ko lang narinig ang boses niya.
Pagtuntung ko sa unang palapag ay nakita ko ang babaeng may kulay kapeng buhok abot sa balikat nito. May bangs ito na nahahati at nagw-wave ang buhok nito habang tumatawa siya. Hindi ko nga kilala ang isang ito.
"Johnny, anak good morning." Napalingon naman ako sa landlady ko na si Maam Jen. Lahat kami ay anak ang tawag niya. Mabait ito na sa tuwing may niluluto para sa mga anak ay namimigay ito saming lahat na nakatira rito. Mas malapit lang ito kay Mark dahil na rin outgoing at mejo FC din yung lalaking yun.
"Maam,good morning po. Papasok na po muna ako." Aniko at lalabas na sana ng muli itong magsalita.
"Ganuna ba? Eh asan si Mark hindi kayo magkasama ah."
Nasanay na yata silang lahat na lagi kaming magkasama ng mokong na yun. Hindi ko naman din yun maitatanggi.
"Kuya, kuya sabay na kami sa iyo palabas. Okay lang ba? Magaalmusal din kami sama ka?" Ani Arielle yung isa sa kambal
Napalingon naman ako sa landlady ko dahil hindi ako sanay na sa labas kumakain ang kambal. Naghahanda si maam ng pagkain nila at pinapasobrahan naman ito para samin na ibang nakatira rito upang ibenta bilang pananghalian.
"Oo nga kuya andaming weirdo sa labas baka ma takot si ate Kali sa kanila. Naubos kasi ang gas kuya kaya di makakaluto si mama para samin." Dugtong naman ni Angel habang tinuturo ang Ate Kali na tinutukoy nila. Ang babaeng may maikling buhok na ngayon ko pa lang nakita dito sa bahay. May malaking ngiti itong nakapaskil sa mukha at aaminin ko nga'y bagay ang hairstyle niya sa kanya na kanina'y pinaguusapan nilang tatlo ng kambal.
"Johnny si Kalisa nga pala, pamangkin ng asawa ko. Dito muna siya sa katabi ng kwarto ni Mark yung sa harap mo na bakante dahil umalis na si Jian."
Patuloy pa ring ngumiti si Kali sakin habang sinasabihng "hi" at inabot naman nito ang kamay niya.
"Siya sige alis na kayo at dalian niyo na anong oras na." Ani Maam Jen.
Habang naglalakad kaming apat papalabas ng eskinitang tinitirhan namin ay patuloy lang sa pagsasalita ang kambal. Ganyan talaga sila mejo maingay at hindi nauubusan ng sasabihin. Paminsan-minsan ay sumasali si Kali sa kanila pagtinatanong. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi nito. Why is she always smiling? Kung iba siguro tingin nila ang weirdo ng babaeng ito pero kaibigan ko si Mark at paminsan ay ganito rin siya ngumingiti habang naglalakad kung kaya'y sanay na ako sa mga ganun.
Napansin kong nakuha ng atensyon niya ang fruit stand na nadadaanan namin at nang lumingon si Angel sa kanya ay hinawakan ang kamay ng nakababata ang nakakatandang pinsan upang ibalik ang atensyon nito sa kanya na kausap si Arielle.
Ilang minuto pa ay nakalabas na kaminsa eskinita at bigla naman nag tanong si Kali kung san ba kami magaagahan.
"San mo gusto kuya?" Tanong ni Arielle.
"Kahit saan." Tipid kong sagot dahil hindi ako mahilig magdesisyon para sa iba lalo na kung sasagot ako pero iba ang susundin. Nakakainis lang ano. I should not have been asked in the first place kung ganun naman lang din.
Nasa harap kami ng cross walk at naghihintay na lumabas ang walk sign para maka tawid na. Hindi ako makagalaw sa tinatayuan ko ng biglang lumingon si Kalisa sa likod upang harapin ako.
"Wala ka bang kainan na gusto na pwedeng issugest?" I was taken aback with her suddenly facing and talking to me. Naka ngiti ito habang nagsasalita kung kaya'y napapisip ako na mejo weird din itong babaeng ito ano? Kailan ba siya titigil sa pag ngiti?
"Ah—sa—" itinaas naman niya ang dalawang kilay nito sabay nagiba ang ekspresyon ang mukha nito na para bang ngayon ay hinihintay niya ang sagot ko.
"Sa?" She asked and I noticed how her arms we kind of placed behind her and how her face returns into a small smile
"Sa Ruzzio's ayon o! Malapit lang at masarap!" Aniko at tinuro ang kainan na nasa kabilang banda na agad ng kalye at akto namang paglabas ng walk sign at tumawid na kami.
Hay salamat. Saved ako dun.
"Kuya hindi ko alam gusto mo pala dito?"
"Masarap dito ielle, hindi lang talaga tayo nakakain kasi sa bahay may pagkain na."
"Kuya Johnny cr muna ako ha." Pagpapaalam ni Arielle pagpasok namin sa Ruzzio's at nagpaalam naman ang kakambal nito na susunod siya.
Sunod sunod na tawag ng mga kaibigan kong dito din pala sa Ruzzio's kumakain nga agahan nila.
"May lakad kasama nanay eh." Aniko at nilingon ko naman si Kalisa na iniikot ang tingin sa buong resto. "Pili ka ng mesa, Kalisa. Susunod din ako kasi ibaba ko bag ko."
"Oh. My." Napalingon naman ako kay Toby na nagsalita at kay James na tinuturo ang babaeng kausap ko gamit ang mga mata nito.
"Di mo naman sinabi may jowa ka pala tol."
"Oo nga hindi naman kami nang aagaw. Good boy kaya ito."
Tumango naman ang ibang kasama sa mesa ng dalawa.
"Gago pinsan yan nung kambal na anak ng mayari ng dorm. Silang tatlo kasabay kong kumain ngayon." Aniko sabay paburong suntok sa balikat ni Jino. Nakakahiya pa naman kung nadunig yon ni Kalisa.
"Kaya pala napadaan si Angel. Natulala pa naman si Chan. Alam mo diba crush niya yun. Ba't ayaw mo pa ilakad ano ba." Tumawa naman si Jino at hiniyawan ng mga lalaki si Chan an kaibigan rin nila.
"Gago anak yun ng landlady ko. Umayos kayo." Napalingon naman ako kay Kalisa at nakitang inoobserbahan nito ang painting na katabi ng mesang napili niya. Mahilig pala siya sa ganyan.
"Sandali ah baba ko muna bag ko dun sa mesa namin."
"Kalisa, iwan ko muna bag ko dito ah, okay lang? Kausapin ko lang mga kaibigan ko. Bili nalang tayo pag labas ng kambal."
(Sudden change in pov for me to be able to explain it)
"Kali." Johnny was confused, shocked but was still werided out with her suddenly calling her name.
"Kali nalang." Anito at nginitian ulit ang binata. Saktong pag lapag niya ng bag niya ay bukas pala ito at lumabas ang orange na dala-dala nito simula pa kahapon. Naksanayan na ni Johnny na magdala ng prutas sa eskwelahan lalo na minsan ay hindi ito nakaka kain ng maayos.
"Mahuhulog na yung prutas o, ayusin mo pagsara ng bag mo." Akmang aayusin na sana ni Kalisa ang bag ng binata ng pigilan siya nito.
"Iyo na lang ito, Kali. Lagi naman akong may prutas na dala e. Para balance meal makain mo." Naalala ni Johnny ang paglingon ng babae sa fruit stand kanina at napa isip na baka ay gusto nito ng prutas. Tinanggap naman ito ni Kali at nilapitan muna niya ang mga kaibigan niya.
Nilingon ni Johnny si Kali at nakatitig lamang ito sa orange na binigay sa kanya.
Hindi alam ni Kali kung bat tinitingnan lang niya ang prutas at hindi naman binabalatan. Ilang segundo pa ang lumpias at biglang nagulan tang ito ng nakita ang kaibigan niyang nasa harap na niya.
"Jessica." Sambit ni Kali na ngumiti naman ang kaibigan niya sa kanya.
"Hello Ate K!" Masiyang bati ng kaibagn nito kay Kalisa.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo na palang lumipat ako ng school?"
"Nandito ako ate kasi andito ka rin." Ngumiti si Jsssica sa mas nakaktanda.
She is actually one of Kalisa's high school friends. She is the youngest among their circle kung kaya't ate ang kadalasan tawag nito sa mga babaeng kaibigan. Kali was confused specially that she never told anyone on why she moved schools.
"Your hair looks nice, Ate K. Bagay na bagay sayo. Magselfie ka naman for remembrance ano ba." Anito at napaisip din si Kali na gawin ito. This is so like the typical Jessi that she always knew. Jessica since the first time they met had enjoyed taking pictures of random things and even taking selfies.
Kali took her phone out to take some photos at inaya niya ang kaibigan nag magpicture sila. Jessica moved to Kali's side pero imbes na ngumiti ay napasigaw ito. Tinapon niya ang cellphone sa mesa at nanginig. People were looking around nagtataka kung anong nangyari.
Johnny quickly turned on to Kali's side to see her trembling. She was shaking while her eyes were glued on to her phone na ibinaba sa mesang harap nito. Dali daling lumapit ang binata at hinawakan ang kamay ni Kali sabay giya nito palabas ng kainan. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari pero ang priority niya ngayon ay ilayo si Kali sa harap ng mga tao. She was trembling at siguro isa na din dun ay dahil sa bulong-bulongan sa paligid nito.
"Sit here. Dito ka muna wag kang aalis." Anito pagkatapos pumasok sa isang 7/11 malapit lang sa kainan kung san sila galing. Napatigil si Johnny ng hinawakan ni Kali ang kamay niya upang pigilan. Hindi ito nagsasalita pero naka tingin lang ito sa kamay nilang dalawa.
"I'll be back, Kali. Kukuha lang ako ng tubig mo. Trust me, I'll be back." Anito at unti-unting binitawan ng dalaga ang kamay nito.
Kumuha si Johnny ng tubig na maiinom ni Kali at makakain na rin kasihindi pa sila nagaalmusal. Bumalik ito sa dalaga at binigay ang mga pinamili.
"Kain na. Dapat may laman ang tiyan mo, Kali." Inangat ni Kali ang nakayumong ulo nito at nagtatakang tiningnan ang binata. People around her would always insist on knowing why the hell happened what just happened but this man infont of her was different. He juat told her to eat dahil walang laman ang sikmura nito.
She was confused, weirded, embarassed but above all was in pain. She though everything was becoming fine. She thought she was fine. Tears started to roll down her eyes and Johnny just wiped them. He never stopped her from crying but instead wiped her tears for her.
"I am crazy. I am still crazy." Nagpatuloy ito sa pagiyak at kahit hindi ito maintindihan ng kaharap niya'y patuloy lang din si Johnny sa ginagawa nito.
Napatigil sila ng biglang tumunog ang cellphone ni Johnny na nasa mesang nasa gitna ng dalawa. It was Arielle. He was about to cut the call to give her some privacy pero kinuha ito ni Kali at sinagot.
"This is Kali. Iel, my usual episode happened. Nasa 7/11 kami. Can you guys pick me up?" Tiningnan nito si Johnny na nagaalalang naka tingin pabalik sa kanila. "My cousins will be here in a few minutes. Uuwi na muna akong bahay. You should eat proper breakfast before going to class, Johnny."
Napatayo ang dalaga ng mapansin ang mga pinsang papunta nang 7/11 at palabas na ito ng nilingon niya si Johnny.
"Thank you, I appreciated what you did." Anito at tuluyan nang lumabas ng pinanggalingan at sumama sa mga pinsan nito.
Napatingin si Johnny sa relo nito at nakitang 2:45 na ng hapon. Ilang oras na rin simula nung nangyari kanina kay Kali at pumasok siya sa klase niya ngayong araw ngunit hindi ito mapakali.
"Tol relax. Why are you so tensed? Nagmamadali ka yatang matapos ang class. Natatae ka ba?" Tanong ni Mark na pumasok naman ito simula 3rd class nila ngayong araw. Johnny gave him a stare at napatahimik naman ang kaibigan nito.
Tumunog ang bell at dinismiss na sila ng teacher nila sa period na yon.
"I have to go! Di na ako papasok ng Envi. Sabihin niyo may lbm ako." Anito at lumabas na ng klase at tumakbo pauwi ng dorm nila.
"Ano yun?" Tanong ni James
"LBM daw. Parang hindi naman." Sagot ni Mark.
"Feel ko yung babae." Napatingin ang mga kaibigan kay Chan na biglang nagsalita.
"Ahh yung kanina." Dagdag naman ni Jino.
"Huy anong kanina? Hindi lang ako sumabay mag breakfast may nangyari na kanina?" Tanong ni Mark pero walang sumagot.
Tumakbo si Johnny habang nagmamadaling umuwi habang nag aalala. Things just did not feel right for him na pinabayaan niyang kasama ng kambal umuwi si Kali. He kept thinking na sana sumama na din siya. Alam niyang kakakilala palang nila pero hindi mawala sa kanya ang pagaalala.
Bumukas ang pinto ng dorm nila at nagulat naman si Angel ng makita si Johnny.
"Kuya! Wala ka ng klase?" Tanong nito.
Johnny smiled at tumango. He felt that it was weird for him to be storming there. 'So anong sasabihin mo Johnny kung itatanong nila ba't ka andito?' Anito sa sarili.
They were not close. They just met each other this morning. How the hell would he tell the twins that he wanted to see Kali and ask how she is.
Bumaba si Arielle galing sa second floor at nakita nito si Johnny sa baba. He was panting from running home at kumukuha ito ng tubig ngayon.
"Kuya, nandito ka na pala." Napatingin si Johnny sa direksyon ni Arielle. "She's sleeping sa kwarto niya, share ko lang." She continued at naparelax naman si Johnny sa narinig nito.
"Sorry nadamay ka kanina kuya natagalan kami sa cr." Si angel naman ngayon ay nakayuko.
"Hey it's okay. Wala lang yung, I'm actually kind of worried for Kali." Kinapalan na ni Johnny ang mukha at sinabi ang nararamdaman nito.
"She's fine now. Kuya sunod ka samin sa office ni mama. Sabihin ko sayo anong nangyari." Ani Arielle.
"Iel, sure ka? Okay lang kay ate?" Tanong naman ng kakambal nito.
"Oo naman, Gel. She told me to tell kuya baka kasi malito ito. Ayaw na din ni ate itago pa."
Pumasok silang tatlo sa office ng nanay ng kambal. Johnny took a seat on the usualy chair na inuupuan nito pagpumapasok dito if nagbabayad ng renta o may kailangan sa landlady niya.
"It was around 2 years ago, summer nun." Pagsisimula ni Arielle. "Ate went out on a vacation kasama ang mga highschool classmates nito kasi ilan sa kanila ay last year na din sa college. They wanted to celebrate." Arielle's face dropped onto the floor. She did not really want to talk about this story. Masakit para sa pamilya nila ang nagyari kasi alam nila kung pano nasaktan ang pinsan nila dahil dito.
"They were on their way sa isang island. Ate was staring onto the sea habang kumakain ng oranges. She was not a big fan of oranges pero nung time na yun pinilit siya ng mga kaibigan niya to try them. Papaunta dun they met an accident." Tears were now forming onto Arielle's eyes.
"Everyone on that car na sinasakyan nila, they're all dead. Si ate lang ang nabuhay dahil isa siya sa pinakamalayo sa impact and her friend was protecting her at that time. Yung katabi niya nun na si Ate Jessica."
Arielle stopped talking and continued on to crying. She could not really talk about what happened in full because of what she witnessed ba nangyari sa pinsan nito matapos ang trahedya.
"It was a drunk driver who hit their car. They were college students who wanted to enjoy life at yung lintik na taong nagdadrive ng naka inom ang dahil kung bakit nawala ang mga kaibigan ni ate!" Arielle's shouted as she was so mad at the same time while being hurt. Angel comforted her twin sister and decided to continue on with the story.
"Ate has been hallucinating. Simula nang malaman niyang patay na lahat ng kaibigan niya, hindi niya ito matanggap at patuloy na sinisisi ang sarili habang tinatanong bakit siya lang sa kanila ang nabuhay and why Ate Jessica had to protect her. To cope with the loss, she started seing them one by one."
Johnny could not imagine how Kali's life was for the past 2 years. Napayuko ito ng ulo.
"She has been getting professional help for the past years. Masyadong malala ito nung una, minsan na aalala niyang patay na sila kung kaya't gusto niyang tapusin nalang ang buhay niya pero minsan nakakalimutan nitong wala na sila at dun na niya nakikita sila."
"She's been progressing for the past year, actually. Na diskubre din nila na isa sa mga triggers ni Ate e ang makakita ng dagat or oranges. Kung kaya't nilalayoan nila ito."
Johnny could not believe it. Binigyan pa nito ng orange ang dalaga kanina. He was blaming himself for what happened. Kung hindi niya ito inalok, siguro hindi ito maghahallucinate.
"I hope you understand her situation kuya. Masyadong close din sila ni Ate Jessica din kasi other than pa nung ibang kaklase nila dati na kasama nila."
Mabigat ang nararamdaman ng binata sa pagka alam niyo ng kwento ni Kali. It was his first day meeting her at andami ba nitong nalaman tungkol sa kanya.
The office's door opened slowly at napalingon ang tatlo sa banda nun. Kali was standing there smiling.
"Thank you kanina, Johnny. I'm sorry you had to see that." Ani ng dalaga at tumayo naman si Johnny at niyakap ito. Kali was taken a back and the twins did not expect what just happened.
"It's okay. Hindi ka dapat nagsosorry sa mga bagay na hindi mo naman kasalanan." Anito at hinarap ang dalaga. She still has that smile on her face and Johnny just felt something in him he can't understand.