"Roaaaaan!" Napatalon naman ako sa gulat. Kung maka sigaw talaga itong si Pau eh parang wala na talagang bukas ah!
"Roan! Hoy bruha, MAGPAPLAYDAWANGBANDANINAANDRESACOURTNGAYON!"
Napalaki ang mata ko sa narinig ko. Alam kong hindi nyo ata naintindihan ang sinabi nitong inchik kong friend pero hindi yun chinese at ako, naiintindihan ko iyon. Totoo ngang wala nang bukas-bukas pa. Kailangan ko nang umalis ngayon.
Relax akong tumayo, hinawakan ang kamay ni Pau sabay sabing, "kumapit ka Pau, magfofront seat tayo dyan sa concert na yan." 1...2... aniya ko sa sarili. "Three..Takbo!" Sabay hila ko sa bestfriend ko at tumakbo na papuntang court. Sina Andre yun eh kailangan kong mapanood ang "dreams" ko!
Panay excuse me ang natanggap ng mga tao sakin. Actually nabubunggo ko na sila pero wapakels aketch. Basta dapat nasa harap ako! Bahala na kayo! Pagdating namin sa harap ay tinitigan ako ng isang babae na parang galit. Anyare te? Tinaasan ko lang ito ng kilay saka nilakihan ko ng mga mata. Ayun umalis. Takot ata? Hahaha.
"Oh diba sabi ko sayo Pau, VIP section tayo."
"Hoo. Napagod ako dun Ro, next time bagal-bagalan mo. Only child ako remember pano nalang pag kinamatay ko yun?" Ok lang yan Pau. Para sa kaligayahan ko naman ito. At alam kong mahal mo ako.
"Okay eto na ang pinaka hihintay ng lahat! I mean, ng lahat ng mga babae. Ang pinakagwapong at pinaka talented na boy band ng Madison, Hansel, Andre, David, Exodus, Santi, HADES!!!
Exodus started to bang the drums and I started to melt sa kinatatayuan ko. Lalo na nang nagsimula ng kumanta ang lalaking tila ba'y pinako ang mga tingin ko sa kanya.
Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one
Kahit na anong gawin ko'y ang gwapo talaga at sobrang nakakainlove nitong lalaking nasa taas ng stage. Ang perpekto niyang tingnan.
I see you through the smoky air
Can't you feel the weight of my stare?
You're so close but still a world away
What I'm dying to say is that
Nakapikit ngayon ang kanyang mga mata. He's just too perfect for me! Iba talaga ang tama nito sakin.
Touch me once and you'll know it's true
Hindi ko na ata na aalala kelan akong simulang natamaan sa lalaking ito. Siguro hinay-hinay lang na pagkahulog ata? Yung parang dahil sa angking bait niya at sobrang gwapo pa, nagkagusto kana?
I never wanted anyone like this
It's all brand new, you'll feel it in my kiss
Slowly he opened his eyes...
I'm crazy for you, crazy for you
At sa eksaktong pagsabi nya nung 'crazy for you' na line ay nagtama ang mga mata namin. MATUTUNAW NA PO AKOO!!!
"Pau, kitang-kita ko eh. Alam na alam ko. Ako yun. Ako yung tiningnan niya. Nagka eye-to-eye moment kami Pau!" Sabay talon-talon effect ko pang sinabi kay Pauline ang mga linyang iyon. Ikaw ba naman na may moment kayo ng crush mo. Di ka maloloka?
"Bestfriends tayo, at role ko na ipakita sayo ang realidad. Waģ kang masyadong assuming." Sabi ni Pau. Anu bato. Ayaw sumabay?
"Heh. Ang bad mo. Basta nagkatitigan kami." Paglalaban ko. Aba sigurado na ako dito ano. Inirapan ko nlng ang isang to, panira ng moment e.
Natapos na din ang kantang pineplay ng HADES at ibang banda naman ngayon ang ansa stage. Natuon naman ang atensyon ko ng narinig kong nag ring na ang bell para sa next class namin.
"Pasok na tayo Ro." Tumayo si Pau at sumunod naman ako. Naglakad na kami papuntang room. Habang naglalakad ay ang performance ng Hades ang pinag uusapan naming dalawa pati narin itong pagkaka-eye contact nga namin ni Andre.
"Miss! Miss! Ilag!" Na-angat namin ang mga ulo namin dahil sa ingay sa ikalawang palapag ng kung nasaan ang Grade 11 rooms. Nanlaki ang mga mata ko, ang eraser ng board na puno ng chalk ang nahuhulog. "Hoy miss! Ilagan mo!" Napabalik ako sa realidad at huli na ng naisipan kong umilag natamaan na ako ng eraser sa may bandang pisngi. Take note guys face down siya kaya ay nalagyan lang naman ng chalk ang pisngi ko. Kainis!
"Oops sorry Ro! Di ko sinasadya!" Parang natatakot ang mukha ni Xander at di mapakali.
"Hoy Alvarez anong trip mo ha? Wala naman akong ginawa this time a. Ano personalan na? E lo-" Bago ko pa maipatuloy ang galit ko, lumabas ang isang anghel galing sa itaas, nag aalala ang kanyang mukha. Kelan pa naging langit ang secondfloor ng buliding na ito?
"I'm so sorry Roan. Nagalit kasi ang teacher. If I knew may matatamaan pala sa labas ng lumilipad ng eraser na yan di ko na sana inilagan dito palang." Nagaalala niyang pag explain. Ang gwapo padin ng nagaalalang facial expression nito. May expression kaya siya na pangit siya? Kinuha ko ang eraser at winawagay way ko ito.
"Okay lang yun." Ngiti ko. "Hatid ko nalang ito sa iyo jan."
"Nagpapacute nanaman." Inis na ani Xander at naibalik ko ang tuon ko ulit kay Andre.
"Pupunta na kami jan." Salita ni Pauline. Teka bat ngayon lang to umimik. Siniko ako nito at hinila papuntang CR. Minadali kong maglinis ng mukha kasi baka mamiss ako bigla ni Andre ko.
Mag lilimang taon ko na atang hinahangaan si Andre. Mabait siya, palaging nakangiti, magaling sa matematika at magaling kumanta. Matagal na din ang banda nilang Hades. Siya ang lead vocals nito at di mo maikakailang maganda talaga ang boses nito. Pang anghel. Perkpekto.
"Huy! Hinihintay na nila ang eraser nila at late na tayo FYI." Hinila ulit ako ni Pau. Nadaanan namin ang room namin at dumiretso naman muna kami sa room nina Andre.
"Eto eraser niyo o." Di ako makapagsalita. Feeling ko mukha akong constipated ano ba to. Si Pauline ang nagsalita para sakin.
Ngumiti si Andre at kinuha ang eraser sa itaas ng kamay ko at hinawakan ang ilalim ng kamay ko. OMG HEAVEN!!
"Thank you, Roan and I'm so sorry." Aniya at ngumiti ito. This is my once in a lifetime chance. Pinagbigyan ata ng langit ang dasal ko gabi-gabi.
Nakatalikod na kami ng narinig ko si Xander. "Chansing." Nilingon ko muna ito at pinanlakihan ko ang mga mata. Kainis pabibo din ang isang to ah. Pero sige lang atleast nagka moment kami ni Andre.
Masaya akong bumalik sa classroom namin. Na weweirduhan na ata mga kaklase ko kasi kung sino man ang madadaanan ko sa kanila ay binabati ko ng Hi o nginingitian. Eto ba ang Andre effect? Feel ko gumagana na e eto na talaga 'to.
Naging insant matalino nga ata ako ngayon a. Palagi kong guston sumagot sa tanong ng ma teacher namin at pati na nga history class ko na dati e natutulog ako, ang active ko na ngayo at may pa tango-tango pa na parang naiintindihan ang lahat ng sinasabi ng mga reporter.
Nagbell na at natapos na din ang huli namin subject. Niligpit ko na ang mga gamit ko ng biglang nagsalita si Pauline.
"Ro, walang rule na nagsasabing exempted sa cleaners ang kinikilig. Bat ka nag liligpit jan? Eto walis o simulan mo na sa corridor." Nginitian ko lang ito ng napakalad at napangiwi naman siya. Good mood ako ngayon feel ko nga wala ng makakasira nito e.
Pinakagusto kong trabaho kapag isa ako sa mga na-atasang cleaners ng araw e magwalis sa corridor. Kasama narin kasi ng paglilinis ang sight seeing ko. Mga ilang minuto nalang alam ko, lalabas na si Andre ng room nila kaya pumwesto na ako sa may corridor.
Naglakad siya palabas ng Grade 11 room na nakatawa habang nag sasalita si Hansel. Nag jojoke ata ito. Pababa na sila sa hagdan malapit sa kanilang banda ng nawawala na din siya sa view ko. Kahit pa ganun e masaya na ako.
Eto na yata ang first step para sa mangyayaring big break ng lovelife ko.
"Daydreaming again? Araw-araw nalang? Kung gusto mo, lapitan mo as simple as that." Napalingon ako sa taong nagsasalita ng nakita ko si Xander na nakasandal sa walls ng corridor na naka cross arms. Halatang basa ang buhok nito sa pawis yata kasi hinhingal-hingal pa. Nagtataka ako kung ba't andito ito. Magkatabi lang ang room nila ni Andre at dapat ay doon ito nakatambay dahil kakatapos pa lang ng klase.
"Ba't di ka makasagot, Ro?" A curve formed in his lips. Nagising naman ako galing sa pagoobserve sa kanya at kinunot ang aking noo.
"Hindi kami close ba't ko lalapitan nalang basta-basta diba?" Bumalik na ako sa ginagawa kong pagwawalis at nararamdaman ko ang paglakad niya palapit sa akin.
"You know Ro, nasa modernong panahon na tayo, you can make little actions, pwede kang mag initiate para naman mapansin ka niya." Nilingon ko siya and I saw him smirk. Why is he bothering me? Ba't ang pakialamero ng lalaking ito, hindi din naman kami close ah, at ano kayang ginagawa nito sa may grade 9 rooms?
I ignored what he said and continued what I'm doing. We're not close, we should not be this literally close so I widened the gap. Nagwalis ako sa ibang part ng corridor.
"Maybe you don't make a move para mapansin ka niya kasi you're not that sure about how you like him, because you know you can still change you're mind about liking him." He said confidently.
"Why are you so sure about that? Di mo naman ako ganyan ka kilala ha!" I bursted out, nabigla din ako sa sinabi ko at tumawa siya.
"Xandy! Were you waiting for me?" Sabay kaming napalingon sa isang babaeng lumabas galing sa kabilang room. She's Stella Fortuna, probably everyone's crush sa buong batch ko.
Ngumisi si Xander sa kanya at nilapitan ito. Oh so that explains why he's here, para makipaglandian.
Nilagay niya ang kamay sa baywang nito at aalis na sana ng nilingon ako nito for the last time and mouthed something.
"You'll change your mind." It fckin' sounded like that. What the hell?
Click #jfrchap1 below for the next chapter
THIS STORY IS DEDICATED TO MY BESTFRIEND AND ONCE MY CO WRITER OF THE FIRST DRAFT OF THIS STORY.
Nakaharap ako ngayon sa soccer field ng Madison High. Sobrang lawak nito na pwede na atang magpatayo ng mall dito, pero hindi yung lawak ng