Ito ang pyesang sa kalagitnaan ng pagtulog ko, bigla na lang tutulo itong mga luha ko.
Marahil tama ka, mahina ako at takot sa bagay na malabong mangyare pa. Masyado nga siguro akong pinangungunahan ng kaba at takot, lalo na sa mga ganitong araw na utak lang gumagana at hindi itong pusong nasasaktan sa mga nangyayare sa ating dalawa.
Siguro tama ka, duwag ako.
Duwag ako, dahil hindi ko sinubukang sumugal sa maling pagmamahal. Hindi madali sa akin na sundin itong laman ng isipan ko, at lalong hindi madali para sa akin na balewalain ng ganun na lang itong nilalaman ng puso ko. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa mga mensaheng iyong iniwan, mensaheng kahit kailan hindi ko malilimutan dahil ikaw ang unang lalaking nagsabi sa akin na — "Sana nga hindi na lang kita nakilala" . Pasensya na, nakilala mo pa yung simpleng ako na hindi kayang sundin ang nilalaman ng damdamin. Pasensya na, nakilala mo pa yung nagpabago ng pananaw mo sa buhay. Pasensya na, kung ako lang ang nasa tabi mo no'ng panahong walang andyan para makinig sayo.
Pasensya na. Kung natakot akong iwan ka sa ere – kaya ko nasabing hindi tayo pwede.