"Mas pinipili ng tao ang madali kaysa mabuti”
“Seklusyon” Movie Review
Sa direksyon ni Erik Matti na pinagbibidahan nina Rhed Bustamante, Phoebe Walker, Elora Espano, Neil Ryan Sese, Ronnie Alonte, Lou Veloso, Dominique Roque, John Vic De Guzman, JR Versales
Ang Seklusyon ay isa sa walong opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong 2016. Ito ay tungkol sa mga diyakuno na itinatago ng simbahan sa isang liblib na sagradong lugar upang manirahan sa seklusyon. Ito ay upang maprotektahan sila sa tawag ng tukso at demonyo.
Isa yatang pagsubok sa director ng pelikulang ito ang paggawa ng horror film na tumatalakay sa relihiyon, lalo na sa Pilipinas na kung saan kilala ang mga Pilipino bilang mga relihiyosong tao. Ang pelikula ay umiikot sa tunay na kahulugan ng masama at mabuti at kung ang problema bang ito ay maaaring masolusyonan sa pamamagitan ng pananalig at paniniwala sa Diyos o hindi. Ganunpaman, sa kabila ng isyu, matagumpay na nagampanan ito ni Direk Matti.
Ang Seklusyon ay hindi lamang isang pangkaraniwang horror film na mapapanood mo, ngunit sinusukat nito kung hanggang saan ka dadalhin ng iyong paniniwala’t pananampalataya sa Diyos. Goodbye cliché horror films, hello legit quality ones ang peg.
“Mas pinipili ng tao ang madali kaysa mabuti” –Anghela, Seklusyon
Iyan ang pinakatumatak na linya sa akin sa panonood ng Seklusyon ngayong #MMFF2016. Sobrang lalim ng pinaghugutan at makatotohanan lalo na sa panahon ngayon (halimbawa na lamang ay ang sa mga talamak na pagnanakaw, mas pinipili na lang nila ang magnakaw dahil siguro’y iyon na lang ang naiisip nilang paraan para mabuhay ang sarili o pamilya kaysa magtiyagang maghanap ng disenteng mapapasukang trabaho). Marami akong napagtantong bagay-bagay nang marinig ko ito. Ngunit, sa pelikula, ayon nga kay Anghela na isang huwad na propeta, mas pinipili ng mga tao ang madali kaysa sa mabuti kaya naman sa Seklusyon, ipinakita dito na mas maraming lumalapit kay Anghela upang magpagamot na sa isang iglap lang ay magaling at nalunasan na kaysa pumunta ng ospital at gumastos. Kaya naman, maraming sumasamba kay Anghela, inaalayan siya ng bulaklak bilang pasasalamat nang hindi nalalamang isa pala siyang huwad na propeta. Mapanlinlang, hindi ba? Kaya siguro tayo madaling matukso, dahil ito ay madali at hindi na natin naiisip kung mabuti pa ba ito o hindi.
Ilan sa mga nagustuhan ko sa pelikulang ito ay ang sobrang gagandang shots, angle, lighting, framing o cinematography sobrang ganda as in! hindi ko kinaya! Bilang isang aspiring photographer o cinematographer sobrang kahanga-hanga ang mga shots, pati ang post-production o editing, the best! Hindi mo mapapansin ang cuts and transitions, ang kulay ng film at ang sounds na mas nakapagdala lalo ng emosyon ng mga manonood. Sobrang powerful! Maganda rin ang production design, ang set, on point! Talagang tinutukan ang mga detalye at lahat may layunin kung bakit ito nandoon, bakit iyan nandiyan. Sobrang pinag-isipan! Lalong-lalo na ang costume ni Anghela bilang santo doon, at ang lumalabas na likido sa bibig niya na aakalain mo talagang iyon ang kapalit sa pagpapagaling nila ngunit doon mo rin pala ito mapagtatanto na kaya pala itim ito ay dahil isang alagad ng demonyo si Anghela.
Nagustuhan ko rin ang takbo ng istorya nito, dahil tulad nga ng sabi ko, hindi lamang ito ang iyong pangkaraniwang horror film, ngunit isa itong horror dahil nakakatakot nga naman talaga, kapag sinusukat na nito ang paniniwala’t pananampalataya mo. Ang isa pang nakakatakot dito ay pinili ng demonyo na isugo si Anghela, isang inosenteng bata na walang kamuang-muang sa mundo upang linlangin ang mga tao. Hindi ko kaagad napagtanto na isa palang huwad na propeta dito si Anghela, dahil nga siya ay nasa isang inosenteng katauhan at buong akala ko ay si Sister Cecilia ang kumokontrol kay Anghela. Sobrang unpredictable ng mga pangyayari, maraming twists, kaya naman worth it ang pagnood nito! Hindi mo pagsisisihan! Idagdag mo pa ang kanilang pag-arte! Magaling ang pagpili ng cast, lahat nagampanan ng maayos, sobrang thumbs up, lalong-lalo kay Rhed Bustamante na gumanap bilang Anghela. She nailed it!!
Ang hindi ko naman nagustuhan sa pelikulang ito ay ang ano nga ba? Wala akong maalala, sobrang galing lang talaga, para saakin! Nawa’y mabasag na ang paulit-ulit na istorya ng mga pinoy sa isang horror film at sa film in general, huwag puro mainstream at simulang tangkilikin at buhayin ang dekalidad, maipagmamalaking tunay na pelikulang pinoy. Balang-araw, nais ko rin maging parte ng mga ganitong mga dekalidad na pelikula. Balang-araw.
Bilang pagtatapos ng aking “movie review” hayaan niyo akong basagin ang medyo pormal kong pagsulat, ilang grammatical errors ko na nakasalin na nga sa tagalog at ilabas ang aking tunay na feels towards this movie! KASI BESHY SOBRANG GANDA TALAGA! FIRST MMFF MOVIE KO ‘TO SINCE BIRTH AND SOBRANG WORTH IT NIYA ATE GIRL!!! DAMI KO RIN REALIZATION DITO TUNGKOL SA FAITH AT YUNG QUOTE NI ANGHELA NA NILAGAY KO SA TAAS! SOBRA!!!! DI KO KINAKAYA! ANG GWAPO DIN PALA NI RONNIE DITO! HAHAHAHA PERO ANG GALING NI ANGHELA AT ANG GANDA NI SISTER! Ay nga pala, yung meaning ng Anghela sobrang kinilabutan ako doon beshy! Nakalimutan ko lang yung ibig sabihin nun in tagalog pero naalala ko pa naman in English “---- the demon has come” basta ganyan, non-verbatim yan! SOBRANG NAKAKAKILABOT YON!
Bago ako matulog noong araw na pinanood namin ang seklusyon, naalala ko pa yung mga bata sa panaginip ng mga dyakuno at kung hindi ako nagkakamali, yung mga panaginip nila dun ay yung mga kasalanan nila na hindi nila ikinumpisal kaya ayan ginugulo sila! Galing ko diba napagtanto ko yon? Tapos, bitin ‘to! Nag end yung film sa pagtakbo ni Ronnie na nagets ko naman kung bakit pero nabitin talaga ako e! Pero all in all DAEBAK SEKLUSYON! SOBRANG WORTH IT ANG PERANG GINASTOS SA PAGNOOD! PWEDENG-PWEDE IRECOMMEND SA FRIENDS & FAMILY! 5/5 ang star rating ko dahil galante ako sa stars. Yun lang naman <3 MABUHAY PELIKULANG PILIPINO! CONGRATS SEKLUSYON SA HAKOT AWARDS! DESERVING!
















