Ang nilalaman.
“Bukas na lang sapagkat gabi na” Movie Review
Bukas na lang sapagkat gabi na ang nasabi ko noong una kong binalak panoorin ito simula nang i-recommend sa amin ito ng aming propesor. Wala pang limang minuto ang aking napapanood ngunit inantok na ako, nahilo ako sa galaw ng kamera at sa labo ng kamera. Literal na natulugan ko ito. Pangalawang tangka nang panoorin ko ito, hapon, kasama ang mga kamag-aral, tinamad pa rin ako, umabot kami sa pang-sampung minuto ng pelikula ngunit wala pa rin akong maintindihan. Kasabay ng bagal ng internet, nakatulog kami sa hapong iyon. Pangatlo at ang huling subok ko, sabi ko pagttyagaan ko na ito dahil kailangan. Ang mga susunod na talata ang aking rebyu tungkol sa pelikulang ito.
Bago ko pinanood ang pelikulang ito, nagbasa-basa muna ako ng ilang mga rebyu sa internet patungkol dito, may ibang positibo ang komento, meron namang negatibo na talaga nga namang hindi maiiwasan. Ang pinakatumatak na negatibong komento sa akin ay ang ‘revealing, uncensored scenes’ na may parte sa pelikula na hindi mo dapat makita, ngunit ang pinakatumatak naman na positibong komento na nabasa ko mula sa internet ay ito nga raw ay mga uncensored scenes ngunit lahat nang ito, kada anggulo may kahulugan, kada shots, kada frame, may kabuluhan. Kaya naman nag eexpect ako, kahit noong una’y naboringan ako.
Simula nang palabas, wala pa akong interes panoorin ito, napapaisip ako kung matatapos ko pa kaya ito? Ito pala ay nahahati sa apat na istorya. Tungkol sa kasal, militar, pari at ang isa’y akin nang nakalimutan dahil matagal ko na itong napanood ngunit ngayon ko pa lamang nagawan ng rebyu, patawarin.
Ngunit, kahit na ang ilang parte ay limot ko na, ang impresyon ko nang matapos ko ang pelikula ay maganda, positibo kumpara sa impresyon ko bago ko ito simulant at tinatamad pa ako.
Talaga nga namang lahat, kahit magulo, malabo ang kuha ng kamera, may kahulugan ito, may ipinapahiwatig, hindi ako binigo ng nabasa kong komento sa internet. Lahat konektado, ito ang sinema. Mukhang low-budget pero ang high-quality ng nilalaman. Ang pinaka natatandaan ko pa at ang pinakahalos naintindihan ko ay ang pari dahil wala siya sa kasal (na kung matatandaan ay nasa unang bahagi ng istorya) ay dahil siya’y parang nasa isang tagong lugar kung saan siya lamang ang nakakaalam at ito ang kanyang pinakamalaking sikreto na nakita ng kanyang kanang-kamay (nakalimutan ko na rin ang tawag) na ikinagulat niya. Kaya’t tumakbo siya at halos mabangga na ng isang trak na may lamang bangkay kung saan ako kinilabutan. Ang bangkay na iyon ang makikita ng isa sa rebeldeng matutunghayan sa pangalawang bahagi ng istorya.
Namangha ako sa kung paano ipinagdugtong-dugtong ang istoryang ito. Hindi ko akalaing mamamangha ako sa oras na matapos ko ito. Cheated expection bru.
May isa lamang talaga akong hindi maipakali, at iyon ay ang scene kung saan nakita at ginaya noong kanang-kamay ng pari ang pari mismo na may ginagawang ano. Ito pala ang sinasabi ng isa kong nabasa sa komento, disturbing lalo na sa isang babaeng tulad ko.
Sa pangkahalatan, hindi na mahalaga kung gaano kaganda ang quality ng kamera, ang mahalaga ay ang nilalaman ng kwento. At ito ang turong naituro sa akin ng pelikulang ito. Literal na ipinakita at itinuro.

















