Double Twisting Double Black Joseph Abello
So sabi nila, Fight Club x Black Swan eme raw to. Hahaha. Di naman masyado. Sapat lang. Fight Club kase may multiple personality disorder si Kyaaah. Black Swan kase Gymnast si kyaah.
Una sa lahat, ang ganda ng editing okay. Hahahaha. Lalo na yung part na kausap nila yung doctor. Shuta yon. Tsaka ang galing nung pinapamukha sayo kung ano ba talaga ang dapat mong gawin, kung ang gusto mo or ang kailangan mo? Ano nga ba? Hirap talaga kapag yung passion mo is hindi nakakatulong financially eh no.
Shuta yan. Wala eh. Life eh. Pero sabi nga ni Chiz dun sa video nila ni Heart, may mga tao lang talagang sineswerte na napagkakakitaan ang passion nila. Hahaha. Sana all! Yun ang hindi ko magets dito eh. Okay naman si Joem na nagtratrabaho, kumita ng malaki, maging matinong tao. Pero bakit ayaw ni Tony? HAHA! Pwede rin naman kasing tapusin muna ni Tony ang Olympics bago sila bumalik ulit sa pagtratrabaho. HAHAHA! Ang gulo! Pero baka nga hindi na nila naisip yun kasi masiyado silang passionate sa mga bagay na gusto nilang gawin na lampake na sa isa’t-isa. Hahahaha. Pero gusto ko yon. Yung nagkakagulo yung dalawang personality. Pero kung iisipin mo in reality, tangina parang ang hirap non besh!
Sobrang sarap niyang pag-usapan kasi ang daming inemeng topic. Hahaha. Gaya nung shutanginang walang pondo talaga ang gobyerno para sa mga atleta. Tapos pag nanalo sila internationally, kala mo naman kung magdiwang eh sinuportahan nila all the way. Hahaha. Kairita. Tapos yung mental health eme. Grabe yun. Ang hirap talaga. Ang hirap kapag may ganun kang nilalabanan. Pero laban lang besh! Laban lang!
Tsaka shuta ha. Ang galing pareho ni Tony saka Joem! Huhu. Sobrang solid din ni Tony kasi infairness para siyang totoong gymnast. Saka yung edit din nung nagcompete siya! Hahahah. Shuta. Galing non. Saka yung scoring! Huhuhu.
Di ko lang bet yung ending. Hahahaha. Parang. Parang. Uhhhhm. Baket????? Medj magulo na kasi ang mga ganap kaya siguro nangyari yun. Hahaha. Anyway, okay naman siya.
Pero wala pa rin talagang tatalo sa pagbibigay ng sakit ng ulo ng Every Room Is A Planet. HAHAHAHAHHA!
Hanggang sa susunod na QCinema Film!!!!
PADAYON!







