Alinlangan
Ang sabi mo'y salamat Salamat sa pakiramdam Na kumilos ka ng walang pakundangan Na makagalaw ng walang pagaalinlangan
Hindi ba’t lahat ganyan ang hangad Ang may tumanggap ng bukas palad Ibigin sa kabila ng barubal mong hangad May makapiling sa gawaing kakaiba’t walang katulad
Masaya ako na napadama ko yan sayo. Ngunit Kagaya mo. Yan din ang pangarap ko. Kung kaya mo lang sanang ibigay Kaso hindi.
At hindi mo kaya, Sampu ng iba pang bagay Na tila kailan ma'y di mo kayang ibigay, Katiyakan.













