My rebound girl.
tonight, I decided to write again. hindi ko sigurado kung may makakabasa ba nito or what I just want to write what’s going on in my mind right now. kakatapos ko lang manuod ng My rebound girl and I can say na it’s one of my favorite movies. hindi ko na iké’kwento ang nangyari sa movie dahil ayoko naman maging spoiler kaya sasabihin ko na lang yung mga insights ko. so yun nga sobrang affected ako sa movie na yon dahil naging rebound na din ako. alam ko kung ano ang pakiramdam ng magmahal ng tao na hindi pa tapos magmahal ng iba. sobrang sakit. walang sino man ang deserve na mahalin ng ganon, kung pag mamahal man ang tawag mo don. bukod sa sobrang unfair non sa tao eh sobra sobrang nakaka-drain yon emotionally. everyone deserves the love that they give kahit na sobrang sama mo pang tao deserve mo ang pagmamahal na kaya mo na ibigay. being in a rebound relationship is not easy kaylangan mo mag adjust para sa taong mahal mo, kaylangan mo siya intindihin kasi pinasok mo yon, kasi wala kang magagawa mahal mo eh. pero bes, always remember na kung kaya mo pasukin kayo mo din labasan ang sitwasyon na yon, you always have a choice don’t stay in to a relationship just because mahal mo yung tao. always consider the other aspects kasi kung puro pagmamahal lang ang paiiralin mo walang mangyayari sayo. hindi mo kaylangan mag stay sa relasyon na yon alam mo sa sarili mo na kaya mo lumabas don. hindi madali alam ko wala naman madali eh. masakit, oo pero diba mas okay na masaktan ka sa bagay na alam mo naman na may matututunan ka kesa mag stay ka sa isang relasyon na mas masasaktan ka lang ng long term? tapos WAG NA WAG KA MANG RE-REBOUND hindi solusyon ang ibang tao para maka-move on ka kung gusto mo talaga mag move on gawin mo ng sarili mo hindi mo kaylangan magmadali, at mas lalong hindi mo kaylangan gumamit ng ibang tao. walang deadline ang relationships at mas lalong madaming tao sa mundo hindi ka mauubusan. baka mamaya sa pag try mo na magmahal ng tao ng di ka pa ready eh mawala sayo yung true love na inaasam mo kasi nga nagmadali ka, nasaktan mo siya sa process ng pagmo-move on mo. ipaintindi mo sa taong yon ang sitwasyon mo kung hindi ka niya maiintindihan baka hindi talaga siya yung para sayo. sa last part ng movie may gustong gusto ako na line ni alex sabi niya “ang totoong masarap na kape ay parang love, hindi minamadali, galing sa mapait na beans, idadaan sa tamang init, at titimplahan ng tamis” in other words process ang love hindi mo kaylangan madaliin, hindi yan puro saya lang, pero kahit na ganon alam mo na worth it siya sa huli. tandaan mo hindi mo kaylangan ng ibang tao para maka-move on ka sa taong nanakit sayo, kaylangan mo lang anag sarili mo, bigyan mo ng time ang sarili mo hindi ka mauubusan. maghintay ka lang.













