Alaala ng Dating Tumblr Mr. Right
Pamatay yung title! Para tuloy na deads na siya e. Sorry naman.
Pero sino nga ba sa mga tao dito sa tumblr ang naabutan si JrdnPrs ang tumblr Mr. Right dati. Ang daming pinakilig nung lalaking yun. Sayang nag deactivate na siya wala na akong babalik balikan na Mga Kwento ng Binatang Tigang at yung mga iba pa nyang text posts na sobrang kapupulutan ng aral. Sayang talaga. Pero hanggang dun na lang masasabi ko. Sayang. Wala naman ako magagawa diba kung gusto nya mag deactivate. Wala naman ako karapatan na mag dikta sa kanya.
Una hindi ko alam kung bakit nga ginagawa ko to. Pero siguro dahil namimiss ko na ang pagiging active nya dito sa tumblr lalo na ngayon na wala na siya sa tumblr. Gusto ko man basahin ulit yung Binatang Tigang Series at iba nya pa na post wala na! Wala ng pag-asa na mabasa ko pa ulit kasi wala na e. Wala na siya. Binura na nya. Hindi pa naman ako reblogger non kaya wala talagang pag-asa na mabasa ko ulit yung posts nya. Liker lang ako at taga TA. Nag rereblog ako pero paminsan minsan lang.
Bakit nga ba special siya for me? Kasi siya yung online friend ko na nagging kaibigan ko din in real life. Lagi ko sinasabi sa kanya before pag magkausap kami sa tumblr na na nahihiya ako sa kanya ganon ganon. Pero gumagawa siya ng way! Siya lang yung naging kaibigan ko sa facebook na pag nakita ako ng personal siya pa yung unang mag aapproach. Nakakatuwa kasi sobrang rare na ang makatagpo ng taong ganon. Swerte ko I found one. May mga chances na hindi ko siya nakikita tapos siya pa yung mangangalabit sakin or tatawag. Meron pa yan na nasa third floor siya tapos nasa baba ako tapos tinawag nya ako. Pero this coming sem wala na lahat yon. Graduate na siya! At last. Alam ko ang tagal tagal nya na hinintay dumating yung chance na yon. Sana lang pag-dating ng graduation namin andon siya kasi aawardan ulit siya ng school dahil pumasa siya sa board. Ang saya non! Ma congrats ko man lang siya for the last time.