Pag-ibig
Ang daming nangyayari sa paligid. Ang ingay ng mundo. Ang gulo. Parang ang hirap-hirap humananap ng katahimikan. Ng rason para ngumiti kahit sandali. Pero bigla akong napadpad dito. Isang regalo para kay Joyce mula kay Juancho.
Sa loob ng limang minuto, nakalimutan ko ang ingay. Tumahimik ang paligid. Kalma at may ngiti sa labi. Sa loob ng limang minuto, napa-alala sa akin kung gaano makapangyarihan ang pag-ibig.
At napakanta na lang ako ng “buti na lang may langit na natatangol sa pag-ibig na pursigido’t matiyaga!” ni Rico Blanco.
Pag-ibig, sana dumating na anga raw na ikaw naman ang maghari.



















