Buhay Fan Girl - 46
But I guess, things doesn’t always happen the way you expect it.
‘Oh my god, shit, my headaches!’
Dinig kong reklamo ni Gino sa tabi ko, agad akong napatingin sa labas, the sun is up at tiningnan ang wall clock. 10:30am, obvious na hindi ako makakapasok pero -
‘What the - !’
Nagulat ako sa sigaw ni Gino at sa biglang pag-alis nito sa kama, tinakpan ko agad ang mga mata ko, hubad kaya siya.
‘Get out! Get out!’ he was shouting while running to the bathroom, maghahanap marahil ng itatakip sa sarili niya.
‘Wait Gino, you can’t possibly ask me to do that after, after -’ I was also looking for my clothes habang nakatapis ng kumot sa katawan ko.
‘Tsk, plinano mo ito, you..you..-’ lumabas na nga siya sa banyo at may suot ng shorts.
‘What??!’ ang kapal ng mukha, siya kaya yung nag-initiate kagabi, pero wait, wala akong karapatang magalit ngayon dahil alam kong malaki ang kasalanan ko kay Gino. Dali-dali akong nagbihis kahit na masakit ang katawan ko.
‘Wala ka talagang respeto sa sarili mo Marga, I told you yesterday, wag ka ng magtangka pang kausapi ako dahil hindi ako makikinig, everything I saw yesterday is enough!‘
‘Gino please hear me out first, after kung mag explain saka ka mag-decide hindi yung uru-arada mag-de-desisyon ka!’ at last nakabihis na ako, sinuklay ko lang ang buhok ko gamit ang kamay at tinali ito.
‘I don’t want to hear your explanation at lalong hindi magbabago ang isip ko sa kung ano man ang nangyari sa’tin kagabi. Desperada ka na talaga!’ tumalikod ito at agad na lumabas ng kuwarto.
‘Gino, no...’ habol ko sa kaniya palabas ng kuwarto. ‘Wala akong planong ganun..’
‘Ya, may gamot ka ba dyan sa sakit ng ulo?’ tawag nito kay yaya.
‘Gino, ano ba, makinig ka naman sa’kin!’ hawak ko sa braso nito. Laking gulat ko kabigin nito ang kamay ko at hawakan ako sa braso at kinaladkad ako palabas ng bahay nila.
‘I don’t want to see your face ever again, pumunta ka dun sa lalake mo!’ sabay tulak sa’kin na iknasubsob ko sa kalsada.
‘Gino, wait!’ agad akong bumangon hahabol sana ako pero linock nito ang gate, ang tanging nagawa ko na lang ay kalabugin ng kalabugin ito pero wala man lang nagbukas.
He was right, last night was a desperate act, but I didn’t plan it, it was him who started it. But I told myself I will not regret giving myself to him. Wala akong nagawa kundi umuwi ng bahay, buti na lang wala si mama at paniguradong puro tanong lang ang aabutin ko dito. Natulog ako maghapon, kahit na ayaw ko, sumuko na din ang katawan ko sa antok at pagod sa mga pinagdaanan ko kahapon. Nagising ako madalim na at sumagi uli sa isip ko ang problemang kinakaharap ko.
‘Buti naman bumaba ka ate, kala ko nagpakamatay ka na!‘ biro ni Ada.
Umiling lang ako at yumukong pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain.
‘Gutom ka no? ayan sige diet pa more ate!’
‘Hoy Ada, tigilan mo yang kapatid mo, di mo ba napansing namamaga ang mga mata niyan?’ sigaw ni mama mula sa labas.
Lalo kong sinubsob ang mukha ko sa plato na pinagkakainan ko.
‘Haha...si kuya Gino yan no. Naman ate, mahal na mahal? Grabe, sigurado nagpasaway ka na naman no! Hay naku ate, maawa ka kay kuya Gino ate, ang bait nung tao lagi mong pinapasakit ang ulo’
‘Ada, tigilan mo na yan ah..normal lang yan, pasasaan ba at magkaka-ayos din yang dalawang yan sa tinagal-tagal ba ng pagsasama nila!’
Napatingin siya sa mama niya, oo nga no! Fighting Marga, wag mawalan ng pag-asa, mapapatawad din ako ni Gino, magkakabalikan kami.
Ilang araw na ba? 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, siyam na araw na, ni ha ni ho hindi pa din nagpaparamdam si Gino sa mga text at tawag niya. Hindi ito maari, she looked at the clock, 20 mins na lang out na siya. Pupuntahan niya si Gino sa gym, sa ayaw at sa gusto niya mag-uusap sila at kung ayaw na talaga sa kaniya ni Gino, puwes, hindi maari!
‘Bakla!’ tawag ni Char sa kaniya.
‘Heh! May lakad ako!’ saway niya dito habang nag-aayos ng gamit.
‘Asus, manliligaw!’ tukso ni Char.
Nailing na lang si Marga.
‘Di bagay sa’yo friend, yaan mo na nga yun si Gino, kung ayaw niya sa’yo the fine! Wag ipagsiksikan ang sarili saka wala ka namang kasalanan sa nangyari di ba? Nagkataon lang at siya na malikot ang isip at wala talagang tiwala sa’yo, siya ang may problema’
‘May kasalanan ako Char, kasalanan ko talaga!’ But anyways, hindi na oras para magsisihan, dapat ayusin na lang ang problema.
‘Mukha ka na kasing engot diyan eh, sunod ka ng sunod dun sa tao na wala namang balak makipag-usap sa’yo’
‘Kasalanan ko nga di ba? So dapat lang na gawin ko to.’
‘Friend’ lapit ni Char sa table ko. ‘Kasi naman sobra mo naman kasing kinakawawa sarili mo, kahit na kasalanan mo pa, may limitasyon naman. Kung kayo talaga, kayo, you did your part girl, bigyan mo na lang siya ng time. Ang tao pag lalong hinahabol lalo na mang nagkukumawala.’
Natigilan siya sa sinabi ni Char at nag-isip. Nagbuntonghininga siya. ‘Fine, last na ‘to. Pag wala pa talaga, titigil na ko’
‘Buti naman kung ganun. Kunting respeto sa sarili gurl, kahit naman ikaw ang may kasalanan as you said, sigurado naman na kitang-kita niya ang pagsisisi mo. So kung ayaw niya eh di wag.’
Tumango siya.
‘Promise mo ha? Pag hindi ka pa rin pinansin, titigil ka na, last na ‘to’
Ngumiti siya sa kaibigan at tumango. Kung ano man ang mangyari ngayon, maluwag niyang tatanggapin. Tama si Char, she did her part of asking for forgiveness, hindi puwedeng habang buhay pasanin niya ang kasalanang pinagsisihan niya.
This would be the last time na susubukan niyang kausapin si Gino. At kung wala pa rin, maluwag niyang tatanggapin na ayaw na talaga nito sa kaniya.
Eto na naman siya, maghihintay, ilang oras na ba? 2 oras na, ni hindi man lang siya liningon nung lalake sa kinauupuan niya. Gutom na siya. Agad siyang tumayo ng makita na nagsipasukan na sa locker room yung mga players, tumakbo siya papunta kay Gino pero mabilis itong nawala sa paningin niya.
Tsk, pinagtataguan talaga siya ng lalaking iyon.
‘Coach si Gino po?’ tanong niya ng lumabas si coach mula sa locker room.
‘Marga, bawal dito ang babae’
‘Eee naman coach, problema pa ba yun, mas malaki ang problema ko ngayon kay Gino.’
‘Hay naku, ewan ko sainyo, ayun na si Gino, kakalabas pa lang dumaan sa kabilang exit!’
‘Ha?! ba’t niya hinayaan coach!?!’ inis na tanong niya habang patakbo papunta sa parking lot. Nakita nga niya si Gino pumasok sa kotse niya.
‘Gino’ habol niya dito pero pinaharurot na nito ang kotse, hindi pa din siya sumuko, makikita niya ko sa salamin, siguradong titigil yun. ‘Gino, wait..’ habol niya dito. ‘Gi -’
Bago pa siya makahakbang, nalingon niya ang mabilis na bus na papalapit sa kaniya. She tried running, pero dahil sa takot hindi niya nakuhang humakbang man lang.















