New Post has been published on Pinas FM 95.5
New Post has been published on http://www.pinasfm.com/k-a-antonios-driven-bumida-sa-pinas-fm-95-5/
K.A. Antonio’s Driven, bumida sa Pinas FM 95.5
Mula sa pagiging bokalista ng bandang AJKA, ngayon ay gumagawa na siya ng pangalan bilang isang solo artist. Walang iba, kundi ang mang-aawit ng ngayo’y patok na patok na Siopao na Pag-ibig tara, at maki-jam na sa tugtugan ni K.A. Antonio.
#gallery-7 margin: auto; #gallery-7 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-7 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-7 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Halaw sa mga tugtugin ng Imago at ni Barbie Almalbis ang musikang ginagalawan ni K.A. Hindi rin kataka-taka dahil na rin sa banda nitong AJKA na may Pop at Rock music identity.
Sa kaniyang album naman na pinamagatang Driven, ang mga kantang nakapaloob dito ay sumasalamin sa stages ng pag-ibig. Kung sa “Papansin” ay patungkol ito sa tweetums stage ng isang relasyon; ang “Siopao na Pag-ibig” ay para naman sa mga umasa at nabigo lang rin sa huli; at ang “Beep” kung saan ito ang pinakamatamis na yugto ng isang relasyon. Syempre, hindi makukumpleto ang listahan kung mawawalan ng theme song ang mga kaibigan nating sawing sawi sa pag-ibig “Maybe” ang nararapat sa inyong kanta.
#gallery-8 margin: auto; #gallery-8 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-8 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-8 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Kung kaniyang personal na buhay naman ang pag-uusapan, aniya siya ay masayang masaya sapagkat kahit siya ay nagsisimula na sa panibagong yugto ng kaniyang buhay, ang buhay may-asawa, ay patuloy pa rin niyang nagagawa ang mga bagay na kaniyang gusto partikular na sa kaniyang buhay mang-aawit.
#gallery-9 margin: auto; #gallery-9 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-9 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-9 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Sa ngayon ay asahan rin si K.A. na masilayan sa iba’t-ibang events bilang isang host.
Patuloy naman ng mga gigs at shows ni K.A. Nominado rin ang kaniyang Siopao na Pag-ibig bilang Best Novelty Song sa Awit Awards.
Patuloy na kumonekta at makibalita kay K.A. Antonio sa kaniyang social media accounts:
Facebook: www.facebook.com/kriscaantonio
Twitter: @kriscaantonio
Instagram: @kriscaantonio
(written by Maria Corazon Silverio, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Jacob Isais)

















