Keyboard Sonata In C Major, K.143 ; P.267 - Allegro - By Composer Domenico Scarlatti - Pieter-Jan Belder, Clavicembalo (No.143)
seen from Germany
seen from Russia
seen from United States
seen from United States
seen from Saudi Arabia

seen from Germany

seen from Singapore
seen from United States
seen from Netherlands

seen from United States

seen from United States
seen from Yemen

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from Uruguay
Keyboard Sonata In C Major, K.143 ; P.267 - Allegro - By Composer Domenico Scarlatti - Pieter-Jan Belder, Clavicembalo (No.143)
Ang dami kong gusto gawin ng kasama siya. Ang dami kong plano. Gusto ko magtapos ng pag-aaral. Gusto ko magkaroon ng maayos na trabaho. Gusto ko magkaroon ng sariling bahay. Gusto kong ako magplano ng ayos ng bahay ko. Gusto ko lumayo "dito" at hindi na babalik pa. Gusto ko pumunta sa mga magagandang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Gusto ko kainin yung mga pagkain na hindi ko pa natitikman. Gusto ko maexperience yung mga namiss kong experience noon. Gusto ko magkaroon ng mga bagay na ninais ko. Gusto ko magawa yung mga gusto ko. ...at lahat ng yun, gusto ko gawin ng kasama siya. At sana, sana talaga, hindi siya sumuko. Sana, hindi niya maisip na iwan ako. Sana, hindi siya mapagod sa kakaintindi sakin. Kasi lahat ng naiimagine kong gusto kong gawin, lahat yun kasama siya. Lahat ng yun kailangan nandun siya.
Quits
Last time, may gusto makipagfriends kuno sa akin via text at gusto din makipagkita. Kinukulit ako sa text at tinatawagan pa. At ang matindi, pinapaloadan pa ako. Di na kasi ako nagpapaload sa smart dahil globe na ginagamit namin ni Apol. Nung una iniignore ko pero nung tinawagan ako, kinausap ko na. Pamisteryoso kasi ang loko. Akala ko nga nung una lalaki kausap ko eh, kasi boses lalaki talaga siya. Tapos nung nalaman ko, haruy jusko BABAE PALA. Nalaman ko rin naman kung sino siya. Wala eh? Magaling ako eh. Hahahahaha. Di parin talaga nawawala stalker este ninja moves ko at matalas parin naman memory ko kaya mabilis kong nalaman kung sino siya. Di manlang kasi galing galingan ang pagiging misteryoso ni gurllalu kaya nalaman ko agad ang identity niya.
Pero hindi talaga yun ang ikukwento ko eh.
Yun nga, gusto makipagkita ni gurl kaya sige pumayag ako. Nung unang pagkikita namin, nagpaalam naman ako kay Apol. Pero yung pangalawa, hindi na. Bitin kasi yung una naming pagkikita. Nagkita lang kami tapos sabay umuwi. Ayos nga eh, talagang naconvince ko siya nun na pumunta na sa Cubao kahit wala lang, makikipagkita lang tapos biglang uwi na agad. Hahahaha. Grabe nga eh, dumada moves na. Syempre sinasakyan ko lang at di ako nagpapadala. Aba di naman ako easy to get at higit sa lahat, hinding hindi niya ako makukuha 'no. lol. Then yun nga, nagkita kami ulit. Trineat niya ako sa Mang Inasal. Nagdinner kami dun pero di ako masyadong nakakain kasi nga ang daldal ko. Puro si A lang kwinekwento ko at tinatanong ko naman siya about sa karelasyon niya. Kada kwento ko alam kong nadodown siya kasi alam niyang hindi ko basta bastang ipagpapalit yung karelasyon ko sa kahit kanino. At wala akong balak 'no. Pagtapos niya kong itreat sa Mang Inasal, umuwi na rin kami. Sabay kami kasi iisa lang din naman dadaanan namin pauwi. Medyo nagwoworry pa ko kasi baka mamaya mahalata ni Apol na may tinatago ako. Gusto pa ako ihatid ni girlalu kaso di talaga ako pumayag kasi di pwede at ayoko.
The next day, nagkita naman kami ni Apol. Umuwi siya nun dito sa Montalban kasama ko at dun kami sa bahay nila. Medyo nag away pa kami nun kasi ang hilig akong tulugan, kaazar. Nung nagkaayos na kami, biglang nag open siya na may kasalanan daw siya sa akin. Sabi niya pa sakin nun "Baby, may kasalanan ako sayo... May hindi ako sinabi sayo." e di medyo natatawa na ko kasi may kasalanan din pala siya sakin. Yun pala, nag inom sila ng mga kaibigan nila nung gabing yun at ang matindi dun, HINDI SIYA UMUWI SAKANILA. Dun siya natulog sa condo ng classmate niya. Tapos deretso nakipagkita sakin. Di talaga umuwi ang loko kasi lasing na lasing daw.
Natawa tuloy ako kasi parehas kaming gumawa ng kasalanan sa parehas na gabi. E di quits lang. Hahahahahahaha. Ayos.
Sa tuwing sasabihin ko sakanya na 'sorry… kasi ganito ako ganyan ako' lagi niyang sasabihin sa akin na, 'hindi ka ganyan, hindi ka ganito. at mahal kita kahit na masungit, mataray, o kahit anong ugali ang meron ka pa.'
Ang sarap sa pakiramdam na nandun kana sa punto na ayaw mo na rin sarili mo dahil sa mga scars and flaws mo, may tao parin na kokontra sa mga negatibong iniisip mo at ipoprove sayo na hindi ka ganon. Na ichecheer up ka, at ipaparamdam sayo na mahal ka kahit sino kapa.
At sa tuwing sinasabi niya sa akin yun, o sa tuwing pinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako kahit ganito ako, naiiyak ako. Literally. At lagi ko naiisip na, 'God, ang swerte ko talaga sa taong 'to. Tanggap niya ako ng buong buo… Ayoko ng pakawalan pa 'tong taong 'to. God, sana para sakanya na talaga ako, at sana para sakin na talaga siya.'
Blessed.
Kahapon umalis kami ni Apol para kuhain grades naming dalawa at para makapag enroll na rin ako. Yun nga lang, fail kasi hindi ako nakapag enroll kahapon dahil ang gulo ng sistema sa school namin. Pero nakuha ko naman grades ko, okay naman kasi nasa linya parin ng uno GWA ko. Hihihi. I'm so happy with my grades. Pagkatapos mameet at ipakilala siya sa classmates ko, umalis na din agad kami para pumunta naman sa school niya. Kinuha namin grades niya and WOAH, ang tataas ng grades ng baby ko. :") Kahit may sumabit pang 80. Hahahaha. Pero sunod ng 80 eh 86 pataas na. Proud na proud ako para sakanya! As in. PapaDL talaga balak niya ngayong sem/school year. Grabe, ang talino talaga ng baby ko. I'm so happy and proud. Pumunta at namili kami ng mga pagkain sa Cubao tapos dumeretso na kami sa bahay nila. Tapos pagkauwi ko ng bahay namin, naabutan ko nanay ko sa kapitbahay namin na nagbebenta ng clothes and accesories. Binilhan niya ko ng mga damit at relo. Ayos daw kasi grades ko eh. Hehehehe. I felt that I'm so blessed. All was worth it. Thank you, God.
Hindi naman ako parang bata na walang malay.
Marunong naman ako makiramdam. May utak ako, at alam ko ginagawa ko.
Pakiramdam ko alam na ng tatay ko yung nangyari nung nakaraan (about sakin at kay Apol). Sinumbong na siguro ako ng lecheng kapitbahay namin na mga chismoso/chismosa. Pero wala akong pake kung ano man maging reaksyon at kung ano man tingin nila sakin. Hindi ako naaapektuhan. Not at all. At kung ano man yung mga sabihin nila sa likod ko, wala akong pake kung ano man yun. Hindi naman nabawasan pagkatao ko sa kanila. Hindi ko kinakahiya mga ginagawa ko, kung ano ugali ko at kung sino ako. Palibhasa, wala naman silang alam sakin. Hindi nila alam kung sino ba talaga ako. Hindi nila alam kung ano tumatakbo sa utak ko. Basta ang alam ko, wala akong ginagawa na ikakasama ng ibang tao o ikakasama ko.
Pasalamat nga sila hindi ako yung tipo ng babae na papahalay at papabuntis nalang sa ibang lalaki. Hindi ako nagpapaloko dahil hindi naman ako tatanga tanga. Hindi man ako nagkaroon ng matinong relasyon sa lalaki, nakakilala naman ako ng iba’t ibang lalaki (mga nanligaw at nagtry lumandi sakin) na binigyan ako ng iba’t ibang lessons na natutunan ko at dapat kong tandaan. At naniniwala akong sarili mo lagi ang magdedesisyon para sa sarili mo, na laging may option. At kung ano yung napili mo, kagustuhan mo na yun. Kung ayaw mo talagang mangyari ang isang bagay, gagawa at gagawa ka ng paraan para hindi mangyari yun. Bulok na ang mga dahilan na “di ko sinasadya”, “hindi ko kaya eh” o “hindi ko napigilan eh”.
Basta ako, alam kong safe ako sa taong mahal ko. Nag-aaral kami ng mabuti para sa future naming dalawa. Dahil may mga pangarap pa kaming gusto gawin at marami pa kaming plano sa buhay. Alam namin sa isa’t isa yung hindi pwede, hindi pa pwede at pwede na. Alam namin sa isa’t isa na may oras sa mga bagay bagay at di kami nagmamadali. Maniwala kayo’t sa hindi, getching na namin yun. Tsaka hindi kami kating kati katulad ng ibang relasyon. Lol
Pero bakit kaya ganon? Pakiramdam ko never nagkaroon ng tiwala sakin tatay ko. Okay meron, pero hindi yung tiwala na kailangan ko. Ramdam na ramdam ko yung pagiging ‘tamang hinala’ niya sa mga napapansin niya sa akin. Halatang halata. Isipin niya kung ano niyang gusto isipin. Pero sana, sana kausapin niya ko ng maayos. Yung usap na makikinig muna saakin bago react. Intindihin niya muna ako. Yun kasi ang problema, hindi muna siya nagtatanong. Basta isip lang ng kung ano.
Basta ako, alam ko safe ako. Basta alam ko, wala kaming ginagawang ikakasama naming dalawa o ikakasama ng mga tao sa paligid namin.
Oo, hindi ko pa nararanasan lahat ng dapat ko maranasan. Pero hindi ako nagmamadali para maranasan at malagpasan lahat yun. At higit sa lahat, hindi ako bata na walang malay.
I had a weird dream. A weird dream that will never be possible to happen in reality. Dreaming of… being with somebody else… or worst is, being in love with somebody else.
Nanaginip ako kagabi about sakanya. Nasa dati kong school kami. Nandun din mga friends namin na dun din nag-aral. Hinihila niya daw ako habang tumatakbo papunta sa hall. Nakangiti siya, masaya siya habang hinihila ako. Pagkatapos nun, nakaupo daw kami sa kung saan habang inaakbayan ako. Masaya siyang tumitingin sakin, parang inlove. Yung mga tingin na gusto ako, mahal ako. Hinalikan niya ko. At hindi parin nawala yung ngiti niya habang akbay ako. Nakaupo lang kami… Ng ganon ang senaryo.
At ngayon, namimiss ko siya. Syempre, bilang kaibigan. Namiss ko siya dahil sa panaginip kong hindi ko parin makalimutan. Hindi ko mapigilang hindi ishare kahit sa sarili kong blog manlang. Masaya ako, para sakanila ng bestfriend ko. Swerte ko kasi dumating silang dalawa sa buhay ko.
At yan, hindi ko alam pero yung panaginip ko ang nagbigay sakin ng thought na paano kung mainlove ako sa iba. Natatakot ako. Hindi dahil takot akong mainlove sa iba pero natatakot akong masaktan yung taong pagmamay-ari ako. Yung taong pinahalagahan ako. Natatakot akong masaktan ko siya, at hindi ko maimagine, kahit sa imagination ko, hindi ko kaya. Hindi ko na alam kapag nawala siya. Pwede bang mainlove nalang ulit ako tapos sakanya parin ako maiinlove?
Mainlove sa kanya ng paulit ulit sa iisang tao… Yun ang gusto ko.
Kailanman, hindi ko ginustong mawala ka sakin. Hindi sa dahilan na magiging mahirap ang lahat para sakin kapag nawala ka. Kundi, mas nagiging okay ang lahat kapag nasa tabi kita, kapag nasa akin ka. Pakiramdam ko, nababawasan yung pag-iisip ko sa mga bagay na sobrang pinag-aalala ko. Nababawasan yung ‘hirap’ sa bawat problema ko. Ang swerte ko talaga sayo… Salamat. Mahal kita, A.