“babalikan kita.. kapag tama na ang panahon. kapag nahanap na natin ang mga sarili natin. kapag maayos na tayo. Babalikan kita, at ipagpapatuloy natin ang ating pagiibigan na naputol. Pangako. babalikan kita..”
Ngunit asaan ka na ngayon?
Nahanap ko na ang sarili ko.
Nabalitaan ko ay maayos ka na rin. Natuwa nga ako nung nalaman ko itong balita. Dahil sa wakas, babalikan mo na ulit ako.
Ang tagal kong hinintay ito. Araw araw umaasa ako na makikita ka sa harap ng pintuan at sasabihing, “heto na ako mahal. maayos na ang lahat.” pero hindi. dahil kabaliktaran lamang ang nangyayari.
gabi gabi, wala akong ginagawa kundi umiyak at ipagdasal na sana’y kinabukasn ay nasa tabi na kita.
Asan ka na nga ba ngayon? masaya kana ba ngayon? naiisip mo bang balikan muli ako? Mahal mo pa kaya ako?
mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. Mga dahilan kung bakit gabi gabi akong umiiyak sa gilid at nagsisisi sa lahat ng nangyari saating dalawa.
bakit nga ba nangyari saatin ‘to? tanong ko lagi sa aking sarili. Bakit nga ba?
Sinabi mo noo’y isang pagsubok lamang saatin eto. Ikaw pa nga ang nag sabi sa ating dalawa na huwag bibitaw. pero bakit ngayon? ikaw pa ang unang bumitaw?
para tayong isang kwento. Isang kwento kung saan akala mo’y masaya na. Ngunit sa huli, katulad ng iba, hindi rin pala tayo ang para sa isa’t isa. Isang kwento na sa una lamang masaya. Nasa unahan lamang ang ligaya.
Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan, ngunit isa lamang ang gusto kong kasagutan.
bakit mo nga ba ako iniwan? bakit?
Dahil ba’y hindi na katulad ng dati ang nararamdaman mo sa akin? Dahil ba nagsasawa ka na sa mga mabababaw na dahilan ng ating pinagaawayan? Dahil ba ayaw mo na? siguro’y may bago ng nagmamayari sayo. Siguro’y nakipaghiwalay ka dahil sawa ka na.. sawa ka na sa pag-ibig na naibibigay ko saiyo.
“Patawin mo sana ako kung hanggang dito nalang ang kinakaya ko.” etong mga salitang tumatak sa aking isipan.
naiinis ako! hindi dahil sayo kundi dahil sa sarili ko. Bakit ba ako nagka-ganito? kahit sobrang sakit ng nagawa mo, ay pinapatawad parin kita? kahit na alam kong sinira mo ang buong buhay ko, winasak mo ang pagkatao ko, pero sa huli pinatawad parin kita.
Siguro nga’y napaka tanga ko talaga. Napaka tanga ko para hindinmagalit sayo. Napakatanga ko para mahalin parin kita kahit na sobra sobra ang ginawa mo..
Dumating ang mga araw, nakita kita. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. gusto kitang lapitan at yakapin at sabihin, “bumalik ka na.” pero hindi. hindi ko magawa.
Gusto kong tumakbo at umiyak. Gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader huwag ko lang maalala ang lahat ng sakit na nagawa mo.
Nginitian mo ako. At unti unti kang lumapit papunta saakin.
Sa pag lapit mo saakin, para bang bumagal ang mundo. Ikaw lang ang nakikita ng aking mga mata. Walang iba kundi ikaw at ako lang.
Binati mo ako. At tinanong kung kamusta na ako.
Ngayon ko na lamang narinig ang boses mo. Ang malalamig mong boses na para sa akin ay isang magandang himig ng musika.
sinagot kita at sinabing maayos na ako. nagbabakasakaling kapag nalaman mo ay bumalik ka na saakin.
Ngumiti ka muli saakin. Isang ngiti na para bang may kahulugan. kahulugan na napaka hirap alamin. Isang ngiti na ibinigay mo din noon saakin, bago ka tuluyang nagpaalam at umalis.
Gusto kitang tanungin. Gusto kong hilahin ka, bumalik ka lamang sa akin. Gusto kong hawakan muli ang mga kamay mo. Pero alam kong hindi na puwede.
Nagulat ako ng may gumulo sa ating dalawa. isang babae.
Hindi ako makagalaw. lalo na’t nung sinabi mong siya ang babaeng nagpapatibok ng iyong puso. Siya ang babaeng minamahal mo ngayon.
Pakiramdam ko’y para bang gumuho ang mundo ko. Parang isang panaginip, na akala ko’y ganon ang kalalabasan. akala ko’y sasaya na, ngunit merong gumising saakin para tuluyang harapin ang katotohanan. Isang napakasakit na katotohanan na hindi na pwedeng maging tayo.
Gusto kong takasan ka, gusto kong takbuhan ka at iwan ka kasama ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong gawin lahat ng yon. Pero hindi ko magawa, hindi ko matakasan, dahil kahit anong gising ko, eto parin ang dadatnan ko. dahil eto ang realidad ko.
Wala akong nagawa kundi ang sabihin masaya ako para sainyong dalawa. Sa tagal kong naghintay. Sa tagal kong tiniis yung sakit, hindi ko alam, masaya ka na pala. masaya sa iba.
Tuluyang ka ng nagpaalam. isang paalam na alam na alam ko. Isang paalam na nangangahulugan na siguro ay ito na ang huli nating pag kikita. Isang paalam na sobrang nagpasakit saakin.
Hindi na ba talaga kita makikita pa?
bago ka tuluyang tumalikod, sa huling pagkakataon ay binigyan mo ulit ako ng isang ngiti.
Nginitian rin kita. Isang ngiti na punong puno ng hinanakit, isang pilit na ngiti. Isang ngiti ng nababalot ng kalungkutan.
Tuluyan kang umalis. hinawakan mo ang kaniyang mga kamay na minsan ba’y ginagawa mo saakin.
siguro nga’y kailangan ko na din syang gayahin. Kailangan ko na ding gawin ang ginawa nyang pagtalikod saakin. Sa amin. Siguro nga’y kailangan ko ng pilitin ang sarili kong makalimutan ka. Dahil alam kong wala na. Ddahil alam kong wala nang patutunguhan itong pa-asa kong babalik ka pa, at sasabihing maayos na at pwede na nating ituloy ang naudlot nating pagiibigan. Siguro nga’y eto na ang oras para talikuran ang mga nararamdaman ko saiyo.
Siguro nga’y kailangan ko ng kumbinsihin ang sarili kong wala ka na at hindi ka na muling babalik pa..