Dami ko nanamang inadd to cart, pero hanggang cart lang kasi nasa time deposit na lahat, wala nang bawian.
May nakita akong mga bagong tindahan (supplier) ng kung anu-ano, so nag-ubos ako ng oras kakacompute at kaka-compare kung saan mas makakamura.
Nagtingin din ako ng mga recipe ng kung anu-ano like takoyaki at ttukbaegi-bulgogi (kay maangchi). Parang ang dali lang gawin. So inadd to cart ko ang mga nawawalang ingredient sa bahay. Haha.
P.S.1. Ang sakit pa rin ng tiyan ko dahil sa Buldak na hindi ko kaya ang anghang (kahit sabi ng friend ko mild lang daw 'yun).
P.S.2. 'Kala ko nag-rollback 'yung overpriced gyudon na paborito ko, pero it turns out na hindi naman? Sanay na sa inflation.











