MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAG AABROAD ANG ISANG TAO I. BREADWINNER - sila yung mga ulirang tao karaniwan ay magulang na sila lang ang tanging inaasahan ng kanilang pamilya. Halos wala na silang time para sa sarili. Halos lahat ng kanilang kinikita ay pinapadala sa kanilang mga pamilya sa pinas. Ok lang sa kanila kahit wala silang mabiling gamit sa sarili at makain basta hindi maghirap ang pamilya sa pinas. Martir. II. TNT - Nagtatago kasi may nagawang kasalanan. Pwedeng may pinagkakautangan o kaya ay may nagawang krimen. Pwede ring nabuntis at ayaw malaman ng tsismosang kapitbahay ang sinapit. Celebrity teh? III. FAMILY RELATED ISSUES - Pwedeng galing sa broken family o kaya ulilang lubos na. May mga kamag anak sa abroad na kumupkop na sa kanila. IV. IMMIGRANT - Halos lahat ng angkan ay sa ibang bansa na naninirahan. Imbes na maiwang mag isa sa pinas ay sumama na lang sa family sa abroad. Yayamanin. V. OUT OF THE COUNTRY PATIENT - Hindi kayang gamutin ang sakit pag nasa pinas pero karaniwang dahilan lang ng mga mayayaman at pulitiko. Mas gugustuhin pang mamatay sa abroad kesa mamatay sa sariling bayan. VI. JOB OPPORTUNITIES - Karaniwang di nakapagtapos ng pag aaral at hirap maghanap ng trabaho sa pinas kaya ninais na makipagsapalaran sa ibang bayan. Pwede ring pinadala lang ng company. VII. GREENER PASTURE - May trabaho naman sa pinas pero di kuntento sa sahod kaya mas piniling mag abroad. Mas malaki ang sahod kahit na mas mababa ang antas ng trabaho. VIII. FIXED WORKER - Pinagkasundo ng magulang o kaya ay kamag anak sa kakilala o kamag anak rin na nagtatrabaho sa abroad. Di ka man lamg tinanong kung gusto mo bang mag abroad. IX. TOURIST - Pang mayaman at may kaya sa buhay. Pasyal pasyal, pabaka bakasyon o kaya honeymoon. Ginagawang makati to QC lang ang ibang bansa. X. MOVERS - May pinagdadaanan. Galing sa break up, binasted ng crush o kaya namatayan. Nangingibang bansa para makalimutan ang mapait na nakaraan at umaasang makapag simulang muli. XI. OMF (OVERSEAS MALANDING FILIPINO) - Nag abroad para makasama ang jowa. Natatakot na baka may ibang nilalandi o kaya nilalandi ng iba. XII. DREAMERS - May mga pangarap na di niya matupad sa pinas. Naghahanda para sa magandang future. -Im Em













