Pinagmamalaki ko na basurero ako, pumupulot ako ng binasurang kaibigan na inabuso ang kabaitan. Pumupulot din ako ng tinapon na basahan, pinipilit kong iligtas ang mga babae na tinapon pagkatapos pagsawaan. Isa akong kaibigan na hinahanapan ng halaga ang walang kwenta. Hahayaan lang kita sa una, pero tutulungan kita pag alam kong hindi mo kaya. Bilang kapalit ay sana ganun din ang gawin mo sa iba.
Yan ang gusto kong isagot sa Nanay ko. Mas tinutulungan ko pa daw kasi ang iba kaysa sa aking sarili. Wala siyang magagawa, yun na kasi ang misyon ko habang ako ay nabubuhay pa sa mundo. Gusto ko maging mabuting tao kahit na hindi ako naniniwala sa Diyos.













