Fourth year. Senior year. Last year.
Excited ako nung una. Kasi siyempre last school year na namin, so dapat lubus-lubusin. Mas na-excite ako nung malaman ko na classmates ko si Jane at Kim. Silang dalawa lang masaya na ko. Pero nung malaman kong classmate ko rin itong isang 'confidential' na tao. Parang building na naguguho yung excitement ko. Unti-unting nawawala. Tas after five minutes nung malaman ko na classmate ko siya, wala na. As in wala na talaga. Wala na yung excitement. Di ko alam kung ano yung na-feel ko, pero di maganda. Basta mixed feelings na di ko pa maintindihan kung ano yung na-mix. Tas di ko na classmate si kaydoo. Huhuhuhu












