Ang saklap ng karanasan ko these past few days. HUHUHUHU lagi-lagi nila ako hinahard. Halos araw-araw, oo araw-araw. Lagi na lang. Pinakauna e yung Monday. Uwian nun. Tas nagdadaldalan kame nila Jane at Chryza, tas nag-aagawan kame dun sa payong ni Chryza. Basta hawak ni Jane tas inaagaw ko. Tapos out of nowhere, nakita ko na lang sa peripheral view ko na papalapit sina juami, tinutulak siya ni Carl. Tangina nun e. Tas yung mga katabi ko, iniwan na lang ako bigla, bigla silang lumayo, edi wuuuuu tangina. Tas kahapon, nung Physics time, late sila dumating. E bakante yung dalawang upuan na katabi ko. Tas wala na yatang maupuan sa harapan, tas tumigil siya sa may gilid ko, tinitingnan yung katabi kong mga upuan tas dumerecho na siya. Sumigaw bigla si KD ng Dito oh, may upuan pa. Pinakamasaklap yung kanina. Si Daryl isa pa sa mga nanghahard sakin. Hindi ko ba alam pero parang lagi na lang konektado yung Hannah sa pangalan niya. Or vice versa. Basta. Bigla silang kumanta ng jingle ng isang kandidato tas pinalita nila yung pangalan ng kandidato ng pangalan niya. Tas ang tahimik ng buong room, sila lang maingay. Di ko na alam gagawin ko tanginaaa. Pero at least matatapos na 'tong week na 'to. Two weeks to go.