Oo, unti-unti nang nagsisink-in sa'kin yan, since tapos na OJT, at officially enrolled na ko. I will be taking 18 units for 1st sem, and 17 for the 2nd sem. Isang taon na lang, ga-graduate na ko. Few steps closer to my dream -- the CPA title. Malapit ko na maachieve yung goal ko na dapat bago ako mag-21 years old, since last week of October ang birthday ko e CPA na ko. Kailangan na ng extra focus, sipag, at faith sa Lord.
Naalala ko lang nung first year ako. Nag-enroll ako kinabukasan ng graduation ko ng h/s, pagkakuhang-pagkakuha ng card ko at ibang requirements e dumeretso na ko sa UE. Nakakuha ako ng ayos na schedule. Kinukuwento sakin ng ate ko na naka-dean's list sya one time sa UE. Ako noon, di ko iniisip yun, ang akin lang e basta makagraduate ako solve na ko. Dumating ang pasukan, prelims... ang grades ko bumingo! 3 subjects puro line of 2, bukod sa major na 1.75. Walang wala na akong pag-asa, pero bumawi ako. Midterms, yung grade kong 2.25 naging 1.75, yung grade kong 2.0 naging 1.5, yung 1.75 ko sa accounting, naging 1.5. Hanggang sa dumating ang finals, isa-isang lumabas ang grades, wala akong kamalay malay na scholar na pala ako ng susunod na semester.
Ilang sem pa kong sunud-sunod na na-scholar, naranasan kong makalusot sa dos policy, nakapasa sa comprehensive exam, muntik na ring natanggal sa BSA program dahil sa AdvAcc 1, at natanggal sa scholarship. Bumalik. At natanggal ulit.
Ngayong wala ako sa scholarship, at ngayong 5th year na ako, lalo kong pagbubutihin, lalo pa't konting-konti na lang, matter of points ay maaari akong makapasok sa latin honors, e gagawin ko. May plano si Lord, para sa ikalulugod niya to! Go go go! :)