Galing ako sa UE Cal kanina para kumuha ng recommendation letter. Nung pauwi na at magbabayad sa jeep... Me: Manong bayad po, dalawang Letre. Manong Driver: Estudyante? Me: Di po. :))))) Perks of being maliit and baby face? Hahaha lol

PR's Tumblrdome

roma★
ojovivo

tannertan36
One Nice Bug Per Day
Lint Roller? I Barely Know Her

@theartofmadeline
d e v o n

❣ Chile in a Photography ❣
art blog(derogatory)
No title available
TVSTRANGERTHINGS
Sweet Seals For You, Always
tumblr dot com
Mike Driver
Show & Tell
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

JVL
styofa doing anything

No title available

seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Germany

seen from Germany
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Russia
seen from Bangladesh
seen from Iraq
seen from Finland

seen from Malaysia
@eleventhletter-blog
Galing ako sa UE Cal kanina para kumuha ng recommendation letter. Nung pauwi na at magbabayad sa jeep... Me: Manong bayad po, dalawang Letre. Manong Driver: Estudyante? Me: Di po. :))))) Perks of being maliit and baby face? Hahaha lol
Nung bata pa yung pamangkin ko, nagtataka siya bakit daw ba nagtitirik ng kandila pag undas. May birthday daw ba? Tapos sasabihan niya yung iba, "meron ka din dito oh" hahahaha kakaloka
I'm back! After almost 6 months. CPA na ako, not just of my own works, but especially, by God's grace! :)
I want to share to you all my experience, my insights sa last board examination, and some advice na rin :)
Nagreview ako sa PRTC, some of them asking, why PRTC? Ang sa'kin kasi hindi naman sa trip lang, ate ko kasi nagbayad ng tuition ko, so sabi niya dun ako kasi magaling naman ang reviewers. And as the review went on, napatunayan kong tama naman siya. Na-conquer ko yung mga waterloo ko, especially BLT. :)) Sa mga magtetake ng board sa susunod, I suggest na i-assess niyo muna ang mga weaknesses niyo, search niyo kung saang review school mapupunan yung mga yun, as much as possible mag-stick kayo sa mga materials na ibibigay sa inyo (the reviewers knew very well kung ano mga dapat ibigay na materials).
The board exam was difficult, really difficult, especially P2 (nung board exam ko lang ulit naramdaman yung ganun, yung feeling na wala akong inaral haha). I almost gave up first day pa lang, umiiyak na ko. Di ko alam kung bakit ganun yung TOA and AT. Standard-based kaya hindi pwedeng mangabisado lang, kailangan ng full comprehension. P1 was okay, for me, as long as alam mo ang concepts masasagot mo yung tanong (just be prepared for situational problems). AP, parang P1 din pero may mga binibigay na rin na questions na hindi usual na binibigay noon. MAS siguro ang pinakamagaan na subject for this batch. AT, be prepared for "grammar questions"
Ayun, basta kailangan ng sipag mag-aral. Pero siyempre, don't be so hard on yourself, give yourself a break, mag-enjoy din paminsan-minsan (nakakaburnout mag-aral ng todo), kumain ng tama, uminom ng vitamins (bawal magkasakit), magpavaccine kung sakitin. Hehe. Pero ang pinakamatinding sandata sa lahat e prayer. Lift up to God everything that you do. Ask for His guidance palagi (whether you are a devout Catholic, Christian, o kung ano pa man). Sabi nga ni sir Ocampo before the first half of actual board, "Ngayon mafefeel mo na parang kulang pa ang inaral mo. Kaya nga merong space for Higher authority." So yun lang, wala na ko masabi. Medyo feeling nasa cloud 9 pa rin :))
Congratulations to all CPA Board Examination passers, and as well as sa lahat ng nagtake! Nasurvive natin ang "one of the hardest" board exam sa history! Kudos!
God, you may not have answered my prayers today, but I'm still holding to that promise that You will make a way. :) I'll be patiently waiting. :)
R-E-S-P-E-C-T. :)
I'm starting to have mutual understanding thingy with business law ❤ eto talaga pinakaayaw kong subject noon pero simula netong review classes, unti unti ko na siyang nagegets. Super galing lang ng reviewer namin (Atty. Ong), well facilitated ang discussion with cases. Nakakaamaze!
"Don't pray for a good man. Pray for a godly man."
What had happened with my almost 2-month vacation? I spent almost half of it waiting.. Waiting.. For graduation (We had our last day of classes on March 21 and graduation was last April 24.. So that was more than a month) and also preparing for it (bought dress, shoes and other stuff; graduation pictorial; applied for TOR and diploma). Pagkatapos ng graduation, official tambay ako.. All that I did was eat...surf the net..watch tv...sleep. That was (and still) my daily routine. I also had my chance to be baptized (water baptism) last May 1 :) Now that I have merely 1 week left.. What should I do? Should I start reviewing for the boards? Or what? ;) I have no regrets on what had happened with my vacay.. Sabi nga nila, YOLO ;)
In less than two weeks, our review classes will officially start. I am in the middle of thinking of what subject should I review first. Or maybe should I spend the rest of the days enjoying my vacation? Help!! Hahaha
Browsed some of tumblr posts... Ngayon lang ulit. :)))) Sobrang dami ko nang namissed. Tao na ulit ako. Patumblr tumblr na lang ulit. Loljk :)))
Thank You, Lord!
Finally, nagbunga din ang five-looooong-years na pag-aaral, at dahil sa Iyo yun, Lord. You have made this POSSIBLE. Ga-graduate na ko sa April 24 💚 nabitin man ng .01 sa latin honor e ayos na din, ang paggraduate on time ay isang malaking blessing na. Sobrang hirap yung naexperience ko netong last sem. Akala ko wala nang mas titindi sa feasib days na walang tulugan... Meron pa pala... At integ ang tawag dun. Hahahaha. At akala ko rin porke wala ng retention e madali na. Yun pala tres na lang pahirapan pa. Prelim noon e bagsak ako sa BLT. Akala ko di na ko makakabawi. Buti na lang nakapasa na ng midterm pero alanganin pa rin. At nung finals naman na akala ko sa Auditing ako pinakakampante e nagkamali ako. Dun pa ako kinabahan na baka di ako makagraduate. Pero hindi dahil nakapasa ako by God's grace! Ngayon iniisip ko naman ang review at board exam.. Ilang buwan na lang. Sana sa October ay may karugtong ng CPA ang pangalan ko :))) iniisip ko na rin kung kelan ako mag-mamasteral. Anyway, super saya ko lang talaga. To the future CPAs, kaya rin yan. Wag lang kayong mawawalan ng tiwala kay Lord!
I can’t toy the idea na may tao na sinasabing mahal ka. Pero at the same time may mahal ding iba. Tipong paano ka nagmamahal ng sabay? Kung yung isang tao nagkakandarapa na mahalin ka faithfully. Tapos ikaw dalawa?? Yung iba nga hirap na hirap makahanap ng isa tapos sayo dalawa??
(via matabangutak)
I'm so excited! :) #deferredCPA
www.facebook.com/naeemcallaway
New year!! :)
Ilang oras lang matatapos na ang 2013. It has been like a roller coaster ride -- there were laughter, joy, happiness and even sadness, pain and rough times. Yet, in the end, masaya pa rin at syempre, blessed ng sobra.
Na-heartbroken, nawala sa scholarship, bumaba ang standing sa LH. nahirapan sa mga exams, requirements at iba pa, at marami pang problema. Pero eto ang mga nagpatatag sakin para makasurvive - ang nawalang half scholarship ay napalitan ng full, nakasurvive ako sa integrations at 3 na lang ang kinukuha ko sa ngayon, 5th year na ko and hopefully (claiming it!) gagraduate na ko sa March 2014, at patuloy na hineheal ng Lord and puso ko. Lalo ko ring narealize na napakablessed ko sa family at sa mga kaibigan ko. <3
Excited na ko sa 2014. Claiming it na maging big year para sakin. Bukod sa graduation, sana rin maging CPA na ko!!! Sa October 2014. :) At alam kong marami pang plano si Lord sakin. :D
Happy New Year sa lahat! Sana maging blessed tayong lahat at tanggapin natin ang blessings mula sa mapagpalang Panginoon! :)
xo, Kaye
Merry Christmas, everyone!
Ngayon lang ulit nagka-time magpost. Less stress muna, sabi nga nila YOLO living. Ayun, Merry Christmas! Enjoy the holidays! :)
Ang saya lang ng pasko! Videoke, bonding with family at syempre, kainan!! :D Pero, gaano pa man kasaya, dapat wag kalimutan kung bakit ba tayo nagcecelebrate ng pasko, si Jesus Christ! :)
Ang saya ng puso ko habang nagwoworship kanina. Na-touch ako ng sobra at na-bless. Tapos ang sakit sa puso nung mga nagperform kanina na taga-orphanage, pero gaya nga ng sabi ni pastor, si Lord ang magguguide sa kanila. Kahit ganun pa man yung nangyari sa kanila, napaka-blessed nila't binigyan sila ng Lord ng talent para ma-inspire ang mga gaya ko. :)
So ayun, till next time! xoxo
Sembreak.
Like seriously, pasukan na pala sa Thursday, parang nabitin ako hohohohoho. Kailangan ko na maging morning person, sobrang aga ng pasok -_- sakripisyo lang din (practice na rin para sa review class) :D :)) Ano nga ba nangyari sa sembreak ko? Kain tulog fb. Hahaha. Tagabantay sa tindahan, ni di man lang nakapaglakwatsa. :)) pero masaya ako kahit ganun kasi naging masaya yung birthday ko and at the same time, natupad yung wish kong ma-scholar, full scholar pa. Galing ni Lord, eto pala talaga yung plano niya kaya di ako pinaabot last sem :) So ayun, tsaka na lang ulit, pag may time.. Malamang lamang maging busy na lalo sa mga integ (Aud, AdvAcc at BLT). Goodluck sa'kin at sa batchmates ko at graduate graduate na rin sa March 2014 ^_^ kyaaaah~