I was left speechless nung pinakita ni ate na may brackets na siya. 4+ hrs ago tinanong niya ako kung itutuloy ba niya. Kaso di ko nareplyan sa text, pero sabi ko sa chat, pag isipan muna niya. Di agad nabasa kaya idk. Nagdecide siya na sige, go na.
Medyo nanlumo ako kasi di man lang kinuhanan ng impression, ginawan ng cast, in-analyze yung oral habits, di man inassess yung radiograph, di man nilagyan ng spacers etc. Nilagyan agad ng brackets on the same day na unang pumunta si ate sa clinic. Pakiramdam ko niloloko nila mga pasyente. Nawalan ako ng sasabihin. Kasi paano ba, nandyan na. Nagbayad na si ate ng downpayment. Perang pinaghirapan niya yun. Pakiramdam ko, hindi up to par yung quality ng service na nareceive ni ate sa dapat niyang matanggap. Sasabihin ko sa kanya mamaya anong nararamdaman ko. Pero di ko pa alam paano.
"Girl nakakaiyak. Like minsan talaga gusto ko nang isuko yung dent dahil sa mga profs pero since walang choice tuloy pa rin. Tapos makikita mo yung ganitong mga dentista, gusto mo na lang na pag time mo na, na gagawin mo nang tama."
Kasi nakakalungkot talaga. May panahon talaga na ayaw ko na kasi di naman masaya. Na lagi akong anxious lalo na kapag endo na usapan. Ang hirap huminga sa totoo man, lalo na kagabi nung nagsend sila ng bagong sched na nagsasabing august na balik namin kung maapprove man yun. Nakakatakot. Nakakatakot mahawa ng virus. Ayoko pang mamatay. (To be specific, ayokong magsuffer sa virus hanggang mamatay na lang. Paano pa yung gastos ng pamilya ko sa akin, mga bayarin sa ospital. Paano na lang yun, di ba.)
Pero ayun nga, balik sa usapan na itutuloy pa rin ang dent kahit na ganoon ang nararamdaman ko. Itutuloy kasi pag ako naman na ang dentista, gagawin ko nang tama, na deserve ng lahat ng pasyente. Nakakalungkot kasi na ang baba na nga ng dentist:patient ratio sa pilipinas eh hindi pa lahat nagpprovide ng de kalidad na serbisyo. Ang lungkot lang isipin na ang daming ganito. Sobrang disheartening talaga. Pero nakakamotivate na maging better pag panahon na namin. Ewan. Ang weird.
Pakiramdam ko ang daming nangyari ngayon. Araw-araw may bad news. Nakakapagod. Umaasa pa rin ako, kahit papaano, na bubuti rin ang mga araw. Kung kailan man yun, walang nakakaalam.