I read somewhere that if you are someone's confidant, you should not be too confident that this person will not let you go.
Mga confidant kasi iniisip na kapag ang isang tao komportableng nagsaabi sa iyo ng mga sikreto, problema, kadramahan niya sa buhay ay napakaimportante mo na sa buhay niya. You would think they are clingy and everything... Well, maybe for awhile. Pero kapag 'yung tao na yan ay naging masaya na sa buhay niya ay paonti-onti ka na niyang bibitawan hanggang sa hindi mo na napapansing nawawalan na kayo ng koneksyon sa isa't isa, sa kagustuhan niya. At para rin iyon sa ikabubuti ninyong dalawa dahil magiging sagabal lang kayo sa ikasisiya ng isa't isa. You being too careful about what you would say or do that the other person won't get offended, siya naman masyadong umaasa na nandiyan ka parati. Parang letting go of your kid yan eh, kailangan mo ng pabayaang tumayo sa sarili niyang mga paa. At kailangang wala ka upang magawa niya iyon.
(Teka, ano ba magandang ending paragraph na may dating? HAHA!)
May mga makikilala kang tao na ganyan ang mararanasan mo and that's okay. Huwag kang mag-alala, either ikaw ang iiwas o sila. So, good luck! :D
















