Takot. Tama ba o Mali?
Dito, dito ko lang mailalabas 'to. Wala kasing ibang me kakilala sakin dito sa personal, ay meron. Isa lang, pero walampake un tungkol dito, swear. HAHAHA Sorry for my randomness.
Ilang araw na, nagkakagulo sa school namin. Dko alam kung tama ba ung naging desisyon ko na makisama pa dun sa gulo. Sana nung una palang, hindi ko nalang ininvolve yung sarili ko dun. Sana simula palang, naging ignorante nalang din ako.. PERO. Makikita mo yung mga professor mo, sa labas kahit ang init tinitiis, andun sila hanggang sa maipaglaban nila yung pinaglalaban nila. Grabe lang. Oo, nakikisimpatya ako sa mga teachers ko, pero ayoko naman mapunta dun sa point na, hindi kona papasukan yung ibang subjects ko, kase alam ko, kahit na me dignidad akong sinasabi, ayko parin naman mapabayaan yung matagal ko ng pinaghihirapan. Yung pag me dos ako, malapit nakong umiyak. Hahayaan ko nalang bang masira lahat yun? Ngayon alam kona yung feeling nung mga scholars na takot na takot na mawala yun. Pero sana, kahit po anong piliin kong desisyon, gabayan moko Lord. :(( Sana wag po akong magsisi. I am still standing for the sake of my profs, but I NEVER wanna risk my studies for it. I NEVER wanna disappoint mom and dad, sila lola, si tita... NO,NEVER. I hope this will end very SOOON. Sana matapos na, sana bumalik na yung lahat sa dati.. SANA. :((















